JWS:Finally Closing

•June 18, 2008 • 5 Comments

Just Wanna Share: Our family business is finally closing today.

 

I feel very sad for my dad, who worked very hard for this. Who worked hands-on doing production jobs, to set an example to our employess and just to show them how much he loved the business.

 

I feel very sad for my brother, who cannot just find another job that easily ‘coz he is not a college graduate, who have performed very good in our business, much better than me when I tried to help in managing the business for more than a year.

 

I feel very sad for our employess and thier families., who stood by us during the lowest times of our business. I remember one chirstmas season, they voluntarily shared cash so that we can celebrate a decent Christmas party.

 

I feel so useless, I wish I could have done something to prevent this from happening.

 

A L A K    P A ! ! !

Dilemma

•June 15, 2008 • 7 Comments

Pasencya biscuits muna mga kumare, mejo tuliro ako lately kaya hindi ako makapag-post ng mga eksena ko. Currently mejo windang ang mundo ko, matatapos na yung 1year contract ko dito sa August 08, pero Rolling contract kame, so hindi kailangan mag renew, bakasyon ka lang tapos balik ulit dito, ganun lang ng ganun hanggat gusto mo sa company na ito, pag bet mo na na lumayas, file ka lang ng exit saka ka nila pakakawalan.

 

Pero ang eksena ko right now is, we are in the verge of losing our small family business in the Philippines (sosyal diba, tunog mayaman, “family business”), pag nangyari yon, aside syempre sa mawawalan kame ng major source of anda (may parents, my younger bro together with his family na nasa pinas ang siyang directly nakikinabang nito, yung yonger sis ko naman eh nasa Singapura na nag wo-work since march this year lang), it will be a big blow sa tatay ko (Happy Father’s day po). He’s been working very hard for this for almost 5 years, and I know kahit hindi niya ipakita, super apektado siya pag nawala ito. Suggestion ng sis ko, right after I finish my contract sa august, derecho daw ako Singapura and try my luck there, then pag pareho na kame stable dun, saka namin kunin ang buong family tree sa pinas at dun na sa sinagpore mamuhay (parang ang daling gawin diba).

 

My intial plan, before this situation came up is, to ask for a negotiation with my boss, papa-palipat sana ako ng job designation, currently more on administrative ako, gusto ko sana ng technical na work (inhinyera kasi ako mga mare) at syempre iba din ang salary status nun. So eto na yung chance ko na ma-enhance yung engineering experience ko, may salary increase pa. After a year, mas malaki ang chance ko pumasok sa semis ng Miss U, este mas malaki ang chance ko na lumawak yung job opportunities ko pag nag-apply ako sa ibang bansa. Kaya lang, kung kakaririn ko nga yung suggestion ng sis ko regarding our future plan for the whole family tree, I have to let go of my personal plan para sa career path chorva ko.

 

Two days ago, I decided na gogora na nga ako sa Singapura sa august (Reason  no.1. I found out na meron ino-offer na 1year visa ang Singapore government sa mga foreigners na gusto maghanap ng work sa kanila, pero you have to be a graduate of certain school from your country, and luckily, my school is one of the 6 schools listed from the Philippines, so wit na mag-exit, re-entry ng singapura pag wala pa rin ako work after one month; Reason no. 2. Yung isa ko kasama dito, nag fly away na to accept a job offer sa Singapore, so siguro by august stable na siya dun, at pagpunta ko dun, and after 2 months wit pa rin ako work, sya ang last resort ko na pwedeng lapitan for a job referral.) Kaso, sabi ng horoscope ko kahapon (c/o Friendster, na hindi ko na i-save kaya hindi ko ma-post ng buo ngayon) na ipagpaliban ko daw muna ang mga desisyons ko regarding, love (nyetang love yan), career at kung kung ano-anong chorva, leave things as it is for the mean time and wait for the signs of the universe (paolo cohello ikaw bayan) before you finally decide. Bukod sa chorva ng horoscope ko na ito, napag-isip isip din ako na, parang mejo risky din ang gagawin ko, pag nag-resign ako, mawawalan ako ng income, so if ever nawala yung business namin, saying din yung ipapadala ko sana sa pinas kung may work ako dito sa KSA. Ah basta magulo, parang gusto ko sumigaw ng A L A K ! ! ! ! !

Rated “Ex”

•June 3, 2008 • 8 Comments

Madami-dami na rin ang nag-daang lalaki sa buhay ni selya este sa buhay ko pala. There even came a time that I lost count kung pang-ilan na ba si ano. Each one has its own story to tell, and I will be sharing most of them sometime soon, pero for the mean time, tag-isang maikling talata muna ang panahong kaya kong ilaan para sa kanila. Sila ang mga lalaking nagdaan sa buhay ko, or ika nga ng nabasa ko sa kabilang blog, ako ang dumaan sa buhay nila. (Paunawa: ang mga pangalang nasa ibaba ay sadyang binago upang protektahan ang pribasiya ng bawat nauugnay. Pero may clue! Mga sounds like yung mga names nila, bwehehehe)

 

1. Annonymous 01

            Nakalimutan ko na pangalan niya, pati nga itsura niya nakalimutan ko na rin , sabi ng friend ko na meet niya 48 years later (being a generous friend that I am, ipinasa ko sa kanya yung number nito) mukha daw itong parot. Met him sa Puerto Galera mga early 2001, noong gabi ng katangahan ko at nawala ako at hindi ko mahanap yung bahay na tinutuluyan naming ng mga friends ko. Ako naman ay virgin pa sa ganitong kalse ng lifestyle noong mga panahon na iyon kaya, Let’s go-sago! agad ako nung tanungin niya kung kami na nga. After a few days (korak! days lang ha) na-realized ko na hindi pala ako in-love sa kanya. Na in-love lang ako sa feeling ng being-in-love, gets mo? Yung tipong, dahil nga sa bago mo palang sinusubukan ang ganitong lifestyle, excited ka, na for the first time, magkaka-jowa ka na, malas lang niya at siya ang natapat as first time ko. Last I heard, bumalik siya ng japan para gumiling ulit.

 

2. Mart

            Namulat ang pink na mundo ko sa chatting. Siyempre dahil baguhan pa lang, feeling ko isa akong Betty La Fea. Eto si Mart naman ay isa sa pinaka-popular sa chat room, pati grupo nya popular din, kaya 1,000 confidence level points agad nung simulan niya akong pansin-pansinin sa chat room. And eksena nya, katatapos lang daw nya sa isang relasyon at hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin. Ako naman, mala Marian Dela Riva ang drama na birhen na mapag-bigay at handang maghintay. Kinabukasan sabi niya kami na daw, dahil dumating daw yung sign na hinihintay niya (malay ko kung zodiac sign or traffic sign ang ibig niyang sabihin). After two weeks of pagpapa-cute sa isat-isa nag-agree kame na mag-EB, date sa (lumang greenbelt) park ito, with matching nakapatong ang ulo nya sa lap ko habang nakahiga siya at ako ay naka-upo sa bench sa gitna ng park under the moon and stars. May binigay siyang singsing sa akin, kaso kahit anong gawin kong suksok, ayaw magkasya sa mga daliri ko, hindi ko pa alam ang konspeto ng lubricant noong mga panahon na iyon, kaya binawi na lang niya yung singsing. Yung wholesome na date nauwi sa chek-in sa mot-mot. Kinabukasan nagkita ulit kame, nagsimba, kumain sa labas, at sa gitna ng diner sinabi niya na kung pwede friends na lang daw kame. That same night hinila ko ang dalawang kaibigan ko at “nagpa-presscon” kasama ang 10 bucket ng San Miguel.

 

3. Bosh

            Another popular guy sa chatroom (aba, kailangang mabawi ko yung 1,000 confidence level points ko noh). Before we met, binalaan na ako ng isaa kong friend whom he met earlier about this guy, hindi ko alam kung bakit basta sabi ng friend ko magsisisi daw ako. At ako naman, still birhen-birhenan pa rin mala Loraine Shuck  sa ganitong lifestyle ay deadma lang, mahal-ko-siya-mahal-niya-ako-kebs-ang-the-rest ang drama ko. Dumating ang revelation day, pumunta ako sa isang mini-GEB (grand eye ball) madameng chatter, finally we meet in person, andun din yung dalawang ex niya, at tatlo kameng syota nya. Napahigpit ang hawak ko kay San Miguel, at doon ko na-realized na may future ako bilang alcoholic.

 

4. Roldan

            I met him sa isang bowling eb, mukhang namang matino. Hindi pa siya chatter, karay-karay lang siya ng isang chatter na kaibigan niya. At dahil hindi pa chatter, malamang wala pang kagaguhang alam ito (or so I think). Naging kami in other words, at sa pagsisimula ng relasyon namin, nagsimula din siya matutong mag-chat. At dahil maliit lang ang mundo ng chatting, may mga pangyayaring nalaman namin tungkol sa isat-isa na nauwi sa hiwalayan. After a few weeks, nagkasama kami sa isang overnight swimming sa laguna with the other chatters. Gusto ko sana i-try kung pwede pa mag work-out yung relationship namin. That time kase masyado na ako napagod sa kakapalit ng “jowa”, pagkatapos ng isa, may nakapila na kapalit agad, madaming reserba kung baga. Hindi ko bet ang ganoong kalakaran, gusto ko ng seryoso, wagas at tunay na pag-ibig yung tipong aabot ng kasalan sa simbahan. Ok naman nung gabi, were started to be intimate ulit. until I got drunk (salamt sa tequila) and passed out. Pag-gising ko kinabukasan, pag-labas ng pintuan, ang unang eksena tumambad sa akin ay siya at ang bestfriend ko na naghahalikan, lips-to-lips-tongue-to-tongue-beside-the-pool-under-the-morning-sun ang eksena nila. Umabot hanggang bundok ng Makiling ang lagabag ng pinto ng isarado ko ito pabalik sa kwarto, nag-empake ako and I took the earliest flight back to manila (courtesy of Victory Liner).

 

5. Rick

            Met him sa chatroom pa rin (walang kadala-dala diba). Ok naman sa simula, even my straight friends met him, and they all agree na mabait na tao si Rick. Kaso nagsimula siyang mag-kwento tungkol sa ex niya na pumapasyal daw ulit sa kanila (he is living alone) dahil may problema daw ito at dahil may pinagsamahan naman daw sila kaya pinapatuloy niya. And I started to feel uneasy about the situation (I started to have issues regarding trust, fidelity and chorva during that time, maybe because of the past experiences that I had) so I started to slowly distance myself away from him and the relationship itself (sort of putting the barrier bacl again to protect myself). It was already too late nung napansin niya yung mga pag-babago ko, he tried to win me back, but its already too late, wala na yung feelings ko para sa kanya.(ang drama diba)

may karugtong…

Orbit: d (mis)adventure Part 2

•May 26, 2008 • 5 Comments

Tumakbo si Romnick sa kusina (hindi para mag midnight snack, pero hinala ni sheryl ay kukuha din ito ng kutsilyo), nakakuha ng pagkakataon si Sheryl na makatakbo sa main door, pero ng buksan niya ang pinto ay naka-lock pala ito. Pero, pero, pero swerte pa rin ang ating bida dahil ang susi ay nakatusok lamang sa door knob ng pinto, kaya nabuksan din niya ito at tuluyang nakatakbo papalabas ng bahay.

 

 

DEAD-end

Nakatakbo palabas si Sheryl ngunit sa pagmamadali ay ibang dereksyon ang tinahak niya, sa halip na direksyon katulad kanina nung papunta palang sila, kung saan dalawang tumbling lang ang lapit ng main gate ng subdivision sa bahay ni kuya. Tumakbo siya patungo sa kabilang direksyon ng kalsada, madilim at parang walang buhay. Lumingon siya habang tumatakbo, at nakita niya si Romnick palabas ng bahay, may dalang chain saw (ay kutsilyo lang pala) kaya run-barbie-run ang eksena ng ating bida (with matching background music hango sa isang pelikula kung saan ang bidang babae ay hinahabol ng lalaki para gahasain). Napadpad siya sa madilim na parte ng subdivision, masukal, maraming puno, maraming wild animals,ching!. Maraming kotseng nakaparada sa kalye, naisip niyang magtago sa ilalim ng isa sa mga kotse, pero kung sakaling mahuli siya ni Romnick, siguradong puri niya ang mawawala. Nagpasya siyang patuloy na tumakbo (for more cardio exercise ito), kailangan niyang makatakas at makalabas ng subdivision. Hinubad ni Sheryl ang pirated na prada stilettos nya at walang humpay na tumakbo suot lamang ang kanyang itim na stockings. Takbong walang lingunan, naririnig niya ang mga umaandar ng jeep sa kabilang pader ng kalsada, tanda na may buhay sa kabila ng bakod. Narating niya ang dulo ng madilim na kalsada, ngunit may isang napakalaking gate na nakaharang (higit-kumulang 10 talampakan ang taas, yung purong bakal na walang butas, hindi tipikal na rehas na gate). Laking tuwa ni Sheryl, sa wakas makakalabas na siya. Pinutahan niya ang main gate ngunit naka-kandado ito, nakita niya ang pedestrian gate sa kanan at tinakbo ito, naka-pad lock din (this time ang background music naman ay hango sa horror film kung saan ang bida ay hinahabol ng monster at kung kailan nakakita siya ng pagkakataon makatakas, deadend pala)

 

 

Giant Leap

Bumalik siya sa gitna ng main gate at sinilip ang siwang nito, main street ang nasa labas at may mga nag-dadaanang mga jeep at sa bandang kaliwa sa labas ay  may isang saradong commercial establishment na may dalawang guardian angel (guardia) humingi siya ng saklolo dito, at sinabing may humahabol sa kanya. Wala naman magawa ang mga guardia sibil dahil wala silang susi ng gate (moral support lang ang nai-alok nila sa mga oras na iyon). Wala nang maisip ang ating bida, wala na siyang ibang choice, kailangan niya makatakas,  pumulot siya ng bato sabay sigaw ng darna (pero wa effect  ang bato), umikot siya ng tatlong beses sa pag-aakalang magbabagong anyo siya bilang si wonder woman (at sa paghinto niya sa pag-ikot ay siya namang nagsimulang umikot ang mundo sa paligid nya, bad idea! sabi nya). Bagamat hindi na nya makita si Romnick kung hinahabol pa ba siya, huminga siya ng malalim at pinilit na  inakyat  ang gate (sporty ang ating bida, kung kanina marathon, ngayon naman hurdles) salamat sa girl power (at sa Enerva) at matagumpay niyang na-akyat ang gate at dahan-dahan siyang bumaba sa kabila nito.

 

Guardian Angels

Sumisilip na ang araw ng mga oras na iyon. Pinapasok si Sheryl ng dalawang guardia sibil sa loob ng opisina nila at na-i-kwento nito ang buong pangyayari. Nag-suggest naman ang mga guardia na magsuplong siya sa pulis at ipa-blotter ito dahil baka maunahan pa siya ni Romnick at baligtarin ang mga pangyayari at akusahan pa siya na pang-a-akyat bahay (napaka un-glamorous naman diba, sa dinami-dami ng pwedeng i-kaso sayo, akyat-bahay pa). Super bait naman ang mga guardia sibil at pinasamahan siya sa (cutie) na boy nila upang pumunta sa presinto. Hindi tinanggap ng unang presinto ang statement ni Sheryl dahil hindi daw nila jurisdiction iyon (at wala syang dalang proof of purchase), Itinuro siya sa kabilang presinto, nagpasalamat si Sheryl sa boy at sinabing bumalik na lang ito at siya nalang mag-isa ang pupunta sa kabilang presinto. Ikinewento muli ni Sheryl ang mga pangyayari sa pulis sa kabilang presinto at pinasulat siya sa logbook (na hindi mawari kung listahan ba ng pautang o pataya sa jueteng) Ibinigay din niya ang putol na blade na ginamit niya kanina. Sinabi ng pulis na parorondahan nila ang lugar na binanggit ni Sheryl, pero sa isip-isip nya, baket hindi siya isama ng mga pulis para maituro niya ang eksatong lugar. Pero masyado nang napagod ang ating bida, kaya nagpasyang mag-paalam na at umuwi na lamang.

 

Si Father

At dahil linggo na nang umaga noon, nagpasya si Sheryl na dumerecho sa simbahan bago umuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang magpasalamat sa panibagong buhay na ibinigay sa kanya. AT pagkatapos ng misa ay nilapitan niya si father para nangumpisal, may I admit naman ang ating bida kay father ng kanyang tunay na kulay, at na-ikwento niya ang mga nangyari ng nakalipas na magdamag. Mabait naman si father at naintindihan ang kanyang pagkatao, nagpayo pa si father na kesyo sa susunod daw ay wag na itong sasama sa mga hindi niya kilala na parang  “have a few dates before sex” or something to that effect ang gustong sabihin ni father. Marami pang sinabi si father, at ang farewell message niya kay Sheryl ay “alam ko may trauma ka pa, normal lang yan sa mga susunod na araw, ngayon kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako, pero kung tawag ng laman ang kailangan mo (nandito din ako, ching!) ay ibang usapan na iyan”. Nagpaalam na ang ating bida upang umuwi at magpahinga.

 

Dahil sa mga nangyari, malaki ang trauma na naiwan sa isipan ng ating bida. Takot na umabot ng halos dalawang buwan, dalawang buwan bago ulit niya nakayanang makipag-dukit sa iba.

 

The End

Orbit: d (mis)adventure Part 1

•May 25, 2008 • 3 Comments

Sumama ang bida nating si Sheryl kay Romnick, at habang patawid sila ng kalsada ay biglang nag-ring ng walang pakundangan ang cellphone ni Sheryl, sinilip nya mula sa bulsa ng kanyang itim na pantsuit kung sino ang istorbong tumatawag, pangalan ni Mane ang lumabas (honga pala, 2am ang usapan nila na magkikita-kita ulit sa mcdo), nagpasyang deadmahin ni Sheryl ang tawag ni  Mane, nagtanong si Romnick kung sino ang tumawag, sinabi ni Sheryl na wala, miskol lang daw.

 

Grand Entrance

Naglakad ng naglakad (ng naglakad ng naglakad) ang dalawa at binaybay ang tahimik na mga kalsada ng Makati, “putek akala ko ba malapit lang, hindi ko na mabilang kung ilang stop light, ilang underpass at ilang 711 na ang nadaanan namin” kyeme ni Sheryl sa sarili. After 48.75 years ay narating nila ang JP Rizal street, may nilikuan sila na village pakanan, pagkapasok ng main gate ng village, dalawang tumbling lang ay nasa tapat na sila sa isang malaking bahay, mejo madilim sa labas, binuksan ni Romnick ang gate, at inanyayahan si Sheryl na pumasok. Sa back door sa may kusina dumerecho si Romnick, gustuhin mang sa main door dumaan ni Sheryl para grand entrance, sinenyasan siya ni Romnick na sumunod sa kanya. Pagkapasok ng dalawa ay dumerecho sila sa sala, mejo madilim sa loob, ang ilaw sa poste sa labas lamang ang nagbibigay liwanag sa buong sala nang bigla-biglang ay may tumayong anino mula sa sofa, anino na may mahabang buhok (imagining nyo na lang yung drum roll sa isang horror movie pag biglang may sumusulpot na monster).

 

Aparisyon

Ang anino pala ay pagmamay-ari ng isang matandang “LOLA”, yes as in sirena, diwata pero gurami (no offence, pero mukha siyang matandang parlorista na long hair). Nagkatinginan sila ni Romnick at tumango lang ang “lola” at saka umakyat sa 2nd floor ng bahay. Inaya naman ni Romnick si Sheryl na pumasok sa isang sliding door na nandon din sa sala. Pagpasok sa sliding door (TIME SPACE WARP, NGAYUN DIN!) “ano ito, isang lumang parlor?, wala akong balak I-pakulot ang wavy hair ko” dialogue ni Sheryl sa sarili, napapadalas na ang pag-kausap ni Sheryl sa sarili lately kaya mejo kinakabahan na rin siya. Pumasok si Romnick at dumerecho sa may likuran ng tukador, may kama pala don at dito siya ay humiga, hindi na nagpatumpik-tumpik si Sheryl, sumunod na rin sya sa kamang pang-isahan. Habang nakahiga si Romnick, pumatong si Sheryl sa tiyan ng lalaki, hinuhubad naman ni Romnick ang pantsuit ni Sheryl habang gumigiling ito to the tune of my humps. Matapos ang ilang acrobatic acts ay naabot ni Sheryl ang langit, ngunit parang nahirapan si Romnick na abutin din ang langit kaya nagpasya sila na i-pack-up na ang eksena. Tumayo si Sheryl at tinanong kung nasaan ang banyo, itinuro ni Romnick ang kurtina, at sa likod nito ay may lababo, walang choice ang Sheryl kung hindi magbanlaw sa ibabaw ng lababo with matching tabo.

 

Grace Under Pressure

Bumalik si Sheryl sa kama at isinuot ang pantsuit nya, kinapa niya ang cellphone nya sa bulsa upang i-text si Mane at Tina, ngunit kahit anong kapa ang gawin nya, hindi na niya mahagilap ang cellphone. Habang busy sa kaka-pagpag ng pantsuit nya si Sheryl ay siya namang biglang dialogue ni Romnick ng “o sige bayaran mo na ako ng two thousand” habang tumatayo ito sa kama. “P2,000?wala naman tayong pinag-usapan na bayad ah” may I say ni Sheryl, saka lang biglang nag sink-in kay Sheryl ang mga pangyayari. DING! May biglang malakas na bell na tumililing sa tenga ni Sheryl (“oh no, this is sooooo not happening to me”, dialogue ulit ni Sheryl sa sarili) pero sa edad na iyon ay nakakitaan na ng beuconera qualities si Sheryl, grace under pressure ang drama nya. Parehong bihis na ang dalawa, at ang Romnick, buo ang loob (with full conviction) na singilin si Sheryl ng P2,000 habang ginagalugad ni Sheryl ang buong kama sa kahahanap ng cellphone. Dialogue ni Sheryl, “babayaran kita pero tulungan mo muna ako hanapin yung cellphone ko” (maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian na alam ni Sheryl kung nakanino ang cellphone nya, pero ayaw niya ng maagang  komprontasyon, kailangan niya ng extrang oras upang makapag-isip ng mga susunod na gagawin). Ini-lock ni Romnick ang sliding door habang nakaharang sa gitna nito, si Sheryl naman ay ginagalugad ang buong parlor, bawat tukador, bawat flower vase pati mga kahon ng sapatos, bawat drawer (kailangan niyang mag-isip ng mabilis, ng maayos, alam niyang nasa alanganing sitwasyon siya) sa huling drawer na binuksan niya, may nakita siyang putol na refill blade ng cutter, walang ka-ano-ano ay kinuha  niya iyon at inilagay sa bulsa sa likod ng pantsuit niya, hindi niya alam kung bakit basta nailagay lang niya.

 

Ikalawang Aparisyon

Mag-iisang oras na silang nag-papaikot at nagsisigawan sa kwarto, sinabi na ni Sheryl ng harapan kay Romnick na ilabas na nito ang cellphone nya (alam niyang hindi na ito maibabalik sa kanya,pero kailangan lang niyang pahabain ang oras), todo-deny naman ang lalaki at patuloy na hinihingi ang P2,000 niya, sa kaka-deny ni Romnick ay binuksan niya ang naka-lock na pintuan at sinabi kay Sheryl  na hanapin niya sa buong bahay ang cellphone niya kung makikita niya. Eto naman ang isang pag-kakataon na hinihintay ni Sheryl, ang makalabas sa kwarto na iyon. Ang komosyon ay lumipat sa sala, nagiging pisikal na rin si Romnick at sinimulang tulak-tulakin si Sheryl. Mula sa 2nd floor ay muling nag-aparisyon ang “lola” at nagtanong kung anong problema (in a Celia Rodriguez tone). Sinabi ni Sheryl ang nangyari, na inimbitahan lang siya ni Romnick na sumama sa bahay na iyon pero ngayon ay sinisingil siya ng pera bukod pa sa cellphone na kinuha sa kanya, malumanay na nagsalita ang “lola” at sinabi kay Romnick na hayaan na si Sheryl at pauwiin na lamang ito, lalong naging mabangis si Romnick at umaktong sasampalin si Sheryl, naging mabilis ang ating bida at inilabas ang blade na nai-tago niya sa pantsuit niya kanina at itinutok sa mukha ni Romnick, “ano sige sasaktan mo ako?” drama ni Sheryl, tumakbo si Romnick sa kusina (upang kumuha ng pagkain, op kors not, malamang kutsilyo din ang kukunin nito noh) kaya nakakuha ng pagkakataon si Sheryl na makatakbo sa main door, pero ng buksan nya ay naka-lock pala ito………..

 

Susunod…….

Makatakas kaya ang ating bida? Ano nga kaya ang kinuha ni Romnick sa kusina?Tao ba si “lola” o isang imahinasyon lang?

 

JWS: Ang aking munting mundo

•May 24, 2008 • 5 Comments

Saberdey na naman, umpisa na naman ng bagong linggo ng paulit-ulit na buhay.

Just Wanna Share, ang munting mundong aking ginagalawan 10 hours a day, 6 days a week, ang aking  KYUBIKOL……

 

At ang tanging nag-bibigay aliw sa akin ay ang laman ng aking drawer…….

 

kakakain ko lang ng kalahati nung cake, hehe.

Cruising Time : ORBIT

•May 22, 2008 • 2 Comments

May dalawang parallel na kalye malapit sa Greenbelt 1, at bago sumapit ang hating-gabi ay may mga aninong paikot-ikot, mga sasakyang pabalik-balik, paikot-ikot at pabalik-balik, kaya tinawag na ORBIT.

 

Isang gabi ng taong 2004, naisipan “umorbit” for the first time ng pink na triplets, si Sheryl ang pinaka-chinita sa tatlo, c Mane ang pinaka “matimbang” sa triplets noong mga panahon na yon (parang si manilyn ngayon na sumobra sa timbang compared sa dalawa niyang kasabayan, pero currently ang Mane sa istorya na ito ay natuyuan na ng babyfats at reyna na ng fitness first) at si Tina,  wala syang hawig ni katiting na katangian kay Tina Paner except yung katarayan ng nanay nya na si Daisy Romuladez, pero gawin na rin natin siyang si Tina para makumpleto ang triplets.

 

Pagkatapos lumafang ng Chicken-Spaghetti meal ng Mcdo at mag dessert ng strawberry milkshake, sinimulan nang mag alay-lakad ng Tres Marias. Nilakad nila ang kahabaan ng kalye mula sa kanto ng isang international school na matatagpuan halos katapat lang ng Mcdo at GB1. Sa kalagitnaan ng kanilang “pamamasyal” ay narating nila ang isang convenient store, kaya naisipan ng triplets na magpalamig at magpahinga muna para freshness bago pa man magsidatingan ang mga “booking”. Habang lumalagok ng medium iced tea at humithit ng suba sa labas ng convenient store ay napag-usapan ng triplets kung paano ang gagawing eksena.

 

Ang kalakaran daw kasi sa lugar na ito ay, basta tatayo ka lang na parang Japanese school girl na nag-aantay ng bus (with matching super micro-mini skirt at mahabang medyas if available) kahit wit naman public transpo na nalilligaw ditey maliban sa pailan-ilan na taxi at di magtatagal ay may dadaan na mga kotse at pag bet ka ay hihintuan ka. Kaya nagpasya ang tatlo na popostehan nila ang tatlong magkaksunod na poste ng ilaw (popostehan ang poste, whats redundant davah) sa kalsadang iyon at kanya-kanya nang eksena kung paano mapapansin.

 

After 10 years at ilang kilo ng kabute na ang umusbong sa mga paa ng triplets sa kaka-tayo ay sunod-sunod na ang mga dumadaan na sasakyan, kotse, pajero, crv. May mga hihinto lagpas ng kaunti sa iyo na hihintayin ka kung susunod ka ba or hindi, meron namag garapalan na hihinto sa tapat mo at magtatanong ng kunwari about the essence of being a woman or your views about the climate change, the political killings at kung ano-ano pa.

 

After an hour or so, nagsensyasan ang tatlo na back to barracks muna, nagkita-kita uli sila sa convenient store to exchange notes tungkol sa mga na-observe nila nung gabing yun (opo, hindi nila balak magpaka-pokpokita, ayon sa press release nila ay gusto lang daw nila i-try kung totoo nga ang mga bulong-bulungan tungkol sa lugar na yon). Kwento ni Tina, may huminto daw sa tapat nya na crv at nagtanong na “are you for free or for a fee?”, sumagot naman si Tina na “Im for a fee”, hayun umalis daw yung otoko. Mega payo naman si Sheryl sabay sabunot sa makapal na buhok sa dibdib ni Tina, “Magmaganda ba, ano ba,1st trial natin tonight, kung baga sa department store, big opening sale, kaya dapat free taste test ang eksena” , sabi naman ni Tina na nasabi lang daw nya yun just to discourage the guy.

 

After one round ng suba, nagpasya ang triplets na mamasyal at i-explore ang area pabalik sa Mcdo, para mas exciting, pumili sila ng kanya-kanyang kalyeng dadaanan pabalik sa meeting place and to make it more challenging, may time limit, dapat bago tumunog ng buzzer ng 2am lahat nasa  finish line  na. Kaya naghiwa-hiwalay na ang mga bida, habang inumpisahan na ni Mane at Tina ang “pag-e-explore” ng mga napili nilang kalsada pabalik sa Mcdo, nagpaiwan naman si Sheryl (for more kabute in the poste), pero after another 10 and ½ years, naisip nya na walang career sa lugar na yon kaya nag mini-mayni-maynimo sya kung saan kalsada sya dadaan pabalik ng mcdo. Habang rumarampa ang Sheryl, may naaninag siyang anino sa di may kalayuan, anong ginagawa ng aninong ito sa ganitong oras ng gabi (madaling araw na pala)? Kanina pa kaya siya? Is he for free or for a fee? Nakaka-ilang kilo na kaya siya ng kabute sa paa? Nang napadaan ang Sheryl sa kinatatayuan ng lalaki, nagkatinginan ang dalawa sabay smile sa isat-isa, pang close-up tvc ang eksena. Biglang nagtanong ang lalaki (itago na lang natin siya sa pangalang Romnick) kung anong oras na (oops, typical pick-up line, isang malaking check,  kaya wit na magpatumpik-tumpik dahil booking ito 100%)  dahil walang relo ang Sheryl, tiningnan nya sa cellphone nya ang oras sabay sabing, “its 2am already”. After a few pagpapacute sa isat-isa, nag-aya ang Romnick, malapit lang daw ang bahay niya sa lugar na yun kung ok lang daw na imbitahan sya. After 2 minutes na pagpapakipot ay umoo na rin ang chinita. Sabay na umalis ang dalawa habang tunog ng tunog ang cellphone ni Sheryl, sila Mane at Tina ang tumatawag nasa finish line na sila.

 

Susunod…………………ang (mis)adventure ni Sheryl sa piling ni Romnick

JWS:Nabawasang Pagtingin

•May 20, 2008 • 5 Comments

JWS

Isinakay kame sa kotse nung crush kong site engineer na Greek, super baby face at mamula-mula ang kutis, kaya lang nung nasa loob na kame ng kotse nya nalaman ko ………….. may B.O. sya, kaya biglang nabawasan na ang pagmamahal ko sa kanya. Sana mali ang hinala ko, sana yung kotse lang nya ang may amoy, huhuhu.

Come to me – Come to you

•May 14, 2008 • 5 Comments

Karamihan ng mga tradsmen (welders, pipe-fitters and other construction workers) dito sa site namen eh mga south asian, Pakistani, Sri Lankans, Bangli (Bangladeshi ba? Ah basta) but mostly Indians, syempre may pinoy din, and lately may chinese invasion naman. Most of the pinoy tradesmen ay magagandang posisyon, yung tipong nasa loob ng warehouse or nasa fabarication shop togther with the chinese, unlike ung ibang lahi eh nasa labasan sa gitna ng arawan. At syempre dahil united nation dito, inglisan ang labanan. One time, nagtagpo si Ms. India at Ms. Philippines.

 

Indian Tradesman: Pare! (oo alam nila ang “pare” na word at pag nagpunta ka sa Batha, eto yung Divisoria, Quiapo at Baclaran all in one place sa may Riyadh, magugulat ka nlang sa mga Indianong tindero dahil kung ano-anong tagalong words ang alam nila para maakit ka lang bumuli sa kanila, wag ka magugulat kung may sisigaw sayo at tatawagin kang bayaw) Do you have a come-to-you-come-to-me?

 

Filipino Tradesman: come-to-you-come-to-me?

Indian Tradesman: yes pare, do you have one, can I borrow?

Filipino Tradesman: what do you mean  come-to-you-come-to-me?

Indian Tradesman: (pushed and pulled his hands in front of him, as if he is cutting something)

Filipino Tradesman: ahhhhh, a SAW, sorry sadik I don’t have one.

 

Tama din naman, our hands comes-to-me and then comes-to-you when were cutting something using a saw.

 

Songs of Heart: Handang Maghintay

•May 6, 2008 • Leave a Comment

(ni Noel Cabangon)

2nd Part of a Trilogy

 

 

Salamat sa makabagong teknolohiya

Ang pangungulilang dulot ng agwat ng distansiya

Ay naibsan ng mga tawag at mensaheng galing sa kanya

Mga mensahe ng pagibig at pag-asa

Pag-asang sa pagtatapos ng takdang panahon, muli kayong magkikita

Upang ipag-patuloy ang naudlot na ligaya

Patuloy nyong binubuo ang inyong kinabukasan

Kinabukasan punong-puno ng pagmamahalan

Sa bawat pagsikat at paglubog ng mga araw,

Hindi siya nakalimot ipadama sa iyo

Na mahal na mahal ka niya

Na naghihintay siya.

 

 

 

Kay layo nating dalawa

Lagi’t lagi kang ala-ala

Minsan sa’king panaginip

Doon lang kita nakakaniig

 

Ang mga sulat mo’y, lagi kong tangan-tangan

Sa Poon ay dasal, d ka pababayaan

Akoy naririrto, magkalayo man tayo

Handang maghintay sayo

 

 

Magkalayo man ang ating mundo

Ikaw ang laging nasa aking puso

Tulad ng awit ng ating pag-ibig

Sa tuwina ay naririnig

 

Ang mga sulat mo, lagi kong tangan-tangan

Sa Poon ay dasal, d ka pababayaan

Akoy naririrto, magkalayo man tayo

Handang maghintay sayo