Ang Blogista
Kasalukuyang naka-base sa kalagitnaan ng disyerto ng Saudi Arabia (walang halong stir, disyerto talaga promise!). Tinalikuran ang pabulosang buhay sa maynila (kasama ang mga pamilya, mga kaibigan at bagong sibol na lab layp) upang tanggapin ang hamon ni PGMA na makiisa sa pagsulong ng ekonomiya ng inang bayan. Isang Piscean kaya may tililing kung minsan (sige na nga aminin ko, madalas). Mahilig sa pelikula (nagsimula sa mga dobol-screening sa may recto noon hanggang sa mga Indie film festival ng Glorietta at Shangrila ngayon), mahilig sa musika (gasgas na gasgas na ang i-pod ko at paos na paos na ang mga em-pi-tri ko) nahilig din sa badminton, bowling at bolleyball (para “b” lahat). Mahilig sa fishballs, lumpiang shanghai at adobo. Hate ang mga lamang loob, chicken wings and legs (white meat lang, hindi dahil sa diet conscious ako, hindi ko lang bet talaga). Mabait na anak (though kulang na lang ipako ako ng aking mudra sa bahay para lang hindi maka-pag lakwatsa), mabuting kaibigan (natu-tunan nila sa akin kung paano maging pasensyosa dahil anipatiko at malditong kaibigan daw ako, hehe) at mapag-mahal na partner (ayan ay kuro-kuro ko lang, nde pa tried and tested ng PAMET). At simula ngayon, may I share ko na rin ang aking buhay sa malawak na mundo ng sapot dahil MAY BLOG NA AKO.

Arivedenchi!
Saw ur site in Rob’s its very neat and interesting to see. U have a lot of stories to tell and escapades to share. Keep it up.
hey hey. ngayon ko lang nabasa ang blog mo. nakaka aliw. we miss you, and everybody now wants to leave! masunurin sa hamon ni GMA! di tama yan, ibagsak!
@ O-boi, Salamat sa pagsilip, its nice to know na maraming blogger din dito sa kSA, hope to meet you all soon.
@ Fullman, Papa J……s (pede ba ibuko ang name?lolz) miss ko na kayo, huhuu. masyado ka kase busy sa mga raket mo kaya hindi mo napansin na may sarili nko blog.lolz @ “ibagsak”.
Maaaaaaaarzzzzzzzzzzzzzzzzz! Mishu too! Pag balik isama mo ako sa biyaheng bus na sinasabi mo! For more wagas na pag-ibig. Hahaha. Mwah!
krizzy! now ko lang knowrah jones na may bloggey ka dito! kaya pala di ka active-activean sa multiply.
anyway, im glad i found this out.
at least, updated ka ako sa mga events mo sa layf… kasi miss na miss na kita!
zsa, ingatz lagi!