Something not to be proud of
Just two nights ago, na-“raid” yung isang room ng mga Filipino tradesman dito sa loob ng kampo namin (tradesman ang tawag sa mga skilled workers dito sa company namin). Nahuli sila sa aktong nag-susugal (“tong-its” with pera) at umiinom ng alak (yes, kahit bawal ang alak dito, pero may usong alak dito na tinatawag na “sadike”, para siyang gin na ewan). Mejo ok na sana, since hindi naman mga mutawa (moral police) ang nang-raid, mga company security lang. Kung mga mutawa kasi ang nakahuli sigurado kulong sila, super bawal kasi dito sa KSA ang alak at sugal. Ang kaso, noong sinimulang halughugin yung mga gamit nila at mga cabinets nakita ng mga security ang ibat-ibang company properties, mga bagong bed sheets, safety shoes, gloves, machine drillers at pati mga plato ng mess hall namin na nakalagay na sa box at puro masking tape na, yung tipong ipapabagahe na (to quote yung isang pinoy na nandoon during the “raid” in his genuine batangueno tone, “alay eh, kayhit na kakaba-kaba ako ng mga oras na yaw-on, now-ong makita ko yaw-ung mga patung-patong na plato, ang unang sumagi sa isip ko eh yaw-ung patalastas ng Joy lekwid ditargant”). Kaya kinuha lahat ng iqama (working visa) nila, and plano sana na dalhin na sa Riyadh the following morning (kahapon ng umaga) to process their papers at pauwiin na. Everyone on that room (12 tradesman per room kase, unlike sa staff 2 person per room lang) pareho lahat ang unang sinstensya sa kanila, ang pauwiin lahat, kawawa naman yung dalawa na less than a month pa lang kakarating at walang kinalaman dun sa mga pinag-gagawa nung iba, tapos yung isa naman naka-duty sa site nung mga oras nangyari yon. Then kaya pala naging ganon ang desisyon ng administration, ok na sana yung sugal at alak, total nga hindi naman mutawa yung humuli sa kanila, ang malaking kaso nila eh yung pagkuha ng mga company properties.
Gusto ko man, pati na rin kaming lahat na mga filipino staff na magbigay ng suporta pero yung pagnanakaw nila sa company eh parang ang hirap yata idepensa. Isang Filipino tradesman daw ang nakaranig na sinabi ng camp boss namin na isang itik (indiano) na hindi na daw dapat irespeto lahat ng filipino sa kampo namin, mapa tradesman man or staff. Abababa, sabi ko pasalamat siya at hindi ako ang nakarinig non, ako madami akong nakilalang itik dito na mga engineer daw, pero (as much as I don’t wanna say this) pero mga bobo, mang-mang at tangga karamihan sa kanila, not to mention yung kakaibang amoy nila. Pero sa kabila noon, hindi ko or kaming mga pinoy, ni kailan man generalized na bobo, mang-mang at tanga silang lahat dito sa kampo namin, dahil kahit papano, may mga naging kaibigan din kame na kalahi nila na mababait (kahit na mejo hindi rin ganun kagalingan). Paksyet, I’m afraid that im starting to become a racist.

Well, another reason for you to leave.
But kahit san man siguro and kahit anong race ng isang tao kung sadyang me pagka _____, gagawa at gagawa pa rin ng katarantaduhan. It’s sad nga lang dahil ang first iisipin ng mga tao (including myself) ay nakakahiya naman tong mga (insert race here) na to.
Pero, my gulay! Plato??? Come on…
PS
Tomboy ako.
Malapit na yung surprise mo. Copy and paste na naman mode ko.
this reminds me of this pinoy ofw in the plane recently, pagbaba nya sa hk para sa stop over, binitbit nya ang life jacket mula sa eroplano. souvenir daw. ayun, sa halip na makauwi sa pamilya, nakulong sa hk. kalokah.
naku kurisu di lang sa company nyo me ganyan kahit dito sa amin meron din at sa iba pa..well only pinoy can do that hehehe!!i must admit nakakahiya nadadamay lahat ng pinoy sa mga ganyang kasiraan kahit di lahat gumagawa..