Rated “Ex” (the continuation)

6. Cito

            Met him sa net (pa rin!) pero hindi na sa chat room, he is 12 years older than me. Sabi ko, eto mejo mature, siguro naman hindi na gagawa ng kalokohan ito. Everything was ok, I stayed at his house every weekend, ipagluluto niya ako ang ng favorite namin na spanish adobo. But I still have to go out with my chatter friends, I was one of the most active chatter sa room that time, organizing sportsfest , outings, and other group activities (wholesome lahat yun ha). After meeting with my friends and discussing our current project, dadating siya at susunduin ako. Hindi siya sumasama sa mga meetings/activities namin, nandun lang siya sa car park naghihintay. After a few weeks, he started to demand more time just for the two of us. Eh ako yung tipo na “ako ang nagdadala ng partner ko sa grupo ko” at hindi yung “ako ang ilalayo ng partner ko sa grupo ko”. Ayaw kong ipangako sa kanya ang isang bagay na hindi ko kayang ibigay (oo na, selfish na kung selfish) kaya we decided to call it quits (nde ko na matandaan kong “we” nga or “I” lang).

 

7. Volt

            My first try on LDR, as usual sa net ko (na naman!) siya nakilala. Taga Pangasinan siya, so every other weekend buma-byahe ako at sa kanila ako natutulog. Kaya naman may mga ready-made na ako ng listahan ng mga excuses sa bahay. Kasal ni ganito sa probinsiya nila, binyag ng anak ni ganyan sa probinsiya niya, out of town reunion ng grupong chorva at kung anik-anik pa. At sa buong sabado at lingo na magkasama kame, walang katapusan ang dukit, na gustong gusto ko rin naman, hehe. Kaso dahil nga sa magkalayo kame, during weekdays kailangan bawat galaw ko i-te-text ko sa kanya, gusto niya pagka-galing ko sa opisina derecho agad sa bahay. Noong umpisa touch ako, mejo strong kase personality ko, so kilig ako (deep inside) pag may nagma-mando sa akin. Kaso hanggang text lang yung pagma-mando niya, hellow! Gasino bang sabihin kong nasa bahay na ako at natutulog habang ang totoo, lumalaklak pa ako ng kape sa starbacks (pero madalas alak, hehe). Dumating yung time na nagsisinungaling na ako sa text (kahit valid and clean fun naman yung mga paglabas-labas ko) para wala lang mahabang paliwanagan pa. The relationship drained me (from constant dukit at kaka-byahe) kaya divorce din ang kinabagsakan.

 

 

8. Bong

            No need to ask! Dahil sa net ko rin siya nakilala. After a few exchanges of messages, we finally decided to meet in person, nag-diner, nag-movie, nag-kwentuhan habang nilalakad ang ayala ave. mula glorieta papuntang buendia-taft ave., it was one of the nicest conversations I ever had from any people I’ve met for the first time. We “clicked” kung baga and so we’ve become a couple, I brought him to my group and even became part of it (this time I have a new set of friends though net-based pa rin siya at tuluyang tinalikuran ang buhay chatter). I can say that it was one of the most (if not the only) serious relationship that I ever had. Everything was very ok, but then again dumating yung time na parang nagsawa ako, after almost seven months (the longest I ever had) parang the spark just suddenly disappeared. We decided give each other a space, and during those times, instead of finding ways how to make the relationship work, I slowly set my mind na sa hiwalayan din ang tuloy nito, so slowly I started to let go. And during this times, madalas ang pag-sigaw ko ng “ALAK NA!” sa shout box ng forum site where I belong, na tipong kahit lunes pa lang, lahat sila ay sasamahan ako lumaklak ng alak sa roof top ng pad ng tropa namen. I was very sad then, not because another relationship was about to end, I was sad because I felt that I can not feel the pain anymore of losing another person I love, I was scared at that time that I was slowly becoming numb. When the time came that we have to face each other and finally talk about our relationship, wala na, nakapag let go na ako, hayun, gaya nung simula ng relasyon namin, winakasan namin ito habang naglalakad mula megamall papuntang nipa hut  restaurant sa pasig (near Ultra Stadium) to meet our friends. (It was also during this time na naging full pledge alcoholic ako,lolz.)

 

9. Jon

            After Bong, I have been happily single for more than a year, until Jon came, I was never looking much less waiting for someone to come. Biglang out of nowhere dumating lang siya, nakita daw niya profile ko sa friendster. He lives in Cabanatuan, so LDR in the making na naman itey. Sa umpisa sinasakyan ko lang yung mga pagpapacute niya, sabi ko, intayin natin pag nagkita tayo in person. And so we’ve met, everything was ok, super sweet siya, mahilig mangagat, hindi issue sa kanya ang PDA, na sometimes ako na ang nako-conscious. Gabi-gabi umuusok ang mga cell phone namin(salamat sa call-al-you-can ng Sun Cellular), 2 hours (at least) na walang humpay na pagpapacute sa isat-isa (na ultimo kulay at kung ilang stripes ang lamok na kumakagat sayo eh maike-kwento nyo sa isat-isa basta may mapag usapan lang kayo). Ang eksena nya sa buhay eh nagkalabuan na daw sila ng last bf nya (na hawig daw ni Sam Milby ayon sa press release nya,at nakita ko naman yung pic sa cell nya,.mejo may hawig nga, siya naman eh may kaunting hawig kay Drandreb Villeza). After almost two months, hayun, nalaman daw ng ex nya ang relasyon namin at gusto makipag-balikan, hindi ko na sya pinapili, I told him to go back to his sam milby and and give me back my life., anong magagawa ng isang deejay durano look-a-like sa isang sam milby look-a-like diba?!And during that time, (the real) Sam Milby’s career is on upswing, kahit saan ako lumingon mukha niya nakikita ko sa buong edsa, mapa-tricycle, jeep or bus, naririnig ko boses nya habang kinakanta yung theme song ng tooth paste na ine-endorse nya, pag tambay ako sa bahay, puro tv ad naman nya napapanood ko kaya eveytime na makkikita or maririrnig ko siya naaalala ko yung boyfriend niya na binalikan niya,lekat! ang hirap mag let go diba  This was one of the most “pang-famas” episode time of my life.

 

~ by KUR!SU on June 21, 2008.

3 Responses to “Rated “Ex” (the continuation)”

  1. 9 is a lucky number daw ayon sa chinese culture. baka yung pang 10 ay wagi na.

  2. isa ako sa mga nalungkot nung nagbreak kayo ni number 8 :(

  3. @ Mr. Gibo: I was with No. 10 before I left for KSA (sya yung ni-re refer ko dun sa “awit ng puso trilogy” na post ko), he then flew to USA a few months after I left, since then, I felt that were slowly drifting away, we rarely communicate, so I assume isa lang ang kahihinatnan nito.hehe.

    @ Mareng Apols: yeah, No. 8 was very sayang, I screwed up kaya he deserve someone better than me. Someone asked, of all my “past” kung sino ang gusto ko balikan (though wala sa diksyonaryo ko ang book 2 pagdating sa pag-ibig) siya lang pwede kong maisip.

Leave a Reply