Rated “Ex”

Madami-dami na rin ang nag-daang lalaki sa buhay ni selya este sa buhay ko pala. There even came a time that I lost count kung pang-ilan na ba si ano. Each one has its own story to tell, and I will be sharing most of them sometime soon, pero for the mean time, tag-isang maikling talata muna ang panahong kaya kong ilaan para sa kanila. Sila ang mga lalaking nagdaan sa buhay ko, or ika nga ng nabasa ko sa kabilang blog, ako ang dumaan sa buhay nila. (Paunawa: ang mga pangalang nasa ibaba ay sadyang binago upang protektahan ang pribasiya ng bawat nauugnay. Pero may clue! Mga sounds like yung mga names nila, bwehehehe)

 

1. Annonymous 01

            Nakalimutan ko na pangalan niya, pati nga itsura niya nakalimutan ko na rin , sabi ng friend ko na meet niya 48 years later (being a generous friend that I am, ipinasa ko sa kanya yung number nito) mukha daw itong parot. Met him sa Puerto Galera mga early 2001, noong gabi ng katangahan ko at nawala ako at hindi ko mahanap yung bahay na tinutuluyan naming ng mga friends ko. Ako naman ay virgin pa sa ganitong kalse ng lifestyle noong mga panahon na iyon kaya, Let’s go-sago! agad ako nung tanungin niya kung kami na nga. After a few days (korak! days lang ha) na-realized ko na hindi pala ako in-love sa kanya. Na in-love lang ako sa feeling ng being-in-love, gets mo? Yung tipong, dahil nga sa bago mo palang sinusubukan ang ganitong lifestyle, excited ka, na for the first time, magkaka-jowa ka na, malas lang niya at siya ang natapat as first time ko. Last I heard, bumalik siya ng japan para gumiling ulit.

 

2. Mart

            Namulat ang pink na mundo ko sa chatting. Siyempre dahil baguhan pa lang, feeling ko isa akong Betty La Fea. Eto si Mart naman ay isa sa pinaka-popular sa chat room, pati grupo nya popular din, kaya 1,000 confidence level points agad nung simulan niya akong pansin-pansinin sa chat room. And eksena nya, katatapos lang daw nya sa isang relasyon at hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin. Ako naman, mala Marian Dela Riva ang drama na birhen na mapag-bigay at handang maghintay. Kinabukasan sabi niya kami na daw, dahil dumating daw yung sign na hinihintay niya (malay ko kung zodiac sign or traffic sign ang ibig niyang sabihin). After two weeks of pagpapa-cute sa isat-isa nag-agree kame na mag-EB, date sa (lumang greenbelt) park ito, with matching nakapatong ang ulo nya sa lap ko habang nakahiga siya at ako ay naka-upo sa bench sa gitna ng park under the moon and stars. May binigay siyang singsing sa akin, kaso kahit anong gawin kong suksok, ayaw magkasya sa mga daliri ko, hindi ko pa alam ang konspeto ng lubricant noong mga panahon na iyon, kaya binawi na lang niya yung singsing. Yung wholesome na date nauwi sa chek-in sa mot-mot. Kinabukasan nagkita ulit kame, nagsimba, kumain sa labas, at sa gitna ng diner sinabi niya na kung pwede friends na lang daw kame. That same night hinila ko ang dalawang kaibigan ko at “nagpa-presscon” kasama ang 10 bucket ng San Miguel.

 

3. Bosh

            Another popular guy sa chatroom (aba, kailangang mabawi ko yung 1,000 confidence level points ko noh). Before we met, binalaan na ako ng isaa kong friend whom he met earlier about this guy, hindi ko alam kung bakit basta sabi ng friend ko magsisisi daw ako. At ako naman, still birhen-birhenan pa rin mala Loraine Shuck  sa ganitong lifestyle ay deadma lang, mahal-ko-siya-mahal-niya-ako-kebs-ang-the-rest ang drama ko. Dumating ang revelation day, pumunta ako sa isang mini-GEB (grand eye ball) madameng chatter, finally we meet in person, andun din yung dalawang ex niya, at tatlo kameng syota nya. Napahigpit ang hawak ko kay San Miguel, at doon ko na-realized na may future ako bilang alcoholic.

 

4. Roldan

            I met him sa isang bowling eb, mukhang namang matino. Hindi pa siya chatter, karay-karay lang siya ng isang chatter na kaibigan niya. At dahil hindi pa chatter, malamang wala pang kagaguhang alam ito (or so I think). Naging kami in other words, at sa pagsisimula ng relasyon namin, nagsimula din siya matutong mag-chat. At dahil maliit lang ang mundo ng chatting, may mga pangyayaring nalaman namin tungkol sa isat-isa na nauwi sa hiwalayan. After a few weeks, nagkasama kami sa isang overnight swimming sa laguna with the other chatters. Gusto ko sana i-try kung pwede pa mag work-out yung relationship namin. That time kase masyado na ako napagod sa kakapalit ng “jowa”, pagkatapos ng isa, may nakapila na kapalit agad, madaming reserba kung baga. Hindi ko bet ang ganoong kalakaran, gusto ko ng seryoso, wagas at tunay na pag-ibig yung tipong aabot ng kasalan sa simbahan. Ok naman nung gabi, were started to be intimate ulit. until I got drunk (salamt sa tequila) and passed out. Pag-gising ko kinabukasan, pag-labas ng pintuan, ang unang eksena tumambad sa akin ay siya at ang bestfriend ko na naghahalikan, lips-to-lips-tongue-to-tongue-beside-the-pool-under-the-morning-sun ang eksena nila. Umabot hanggang bundok ng Makiling ang lagabag ng pinto ng isarado ko ito pabalik sa kwarto, nag-empake ako and I took the earliest flight back to manila (courtesy of Victory Liner).

 

5. Rick

            Met him sa chatroom pa rin (walang kadala-dala diba). Ok naman sa simula, even my straight friends met him, and they all agree na mabait na tao si Rick. Kaso nagsimula siyang mag-kwento tungkol sa ex niya na pumapasyal daw ulit sa kanila (he is living alone) dahil may problema daw ito at dahil may pinagsamahan naman daw sila kaya pinapatuloy niya. And I started to feel uneasy about the situation (I started to have issues regarding trust, fidelity and chorva during that time, maybe because of the past experiences that I had) so I started to slowly distance myself away from him and the relationship itself (sort of putting the barrier bacl again to protect myself). It was already too late nung napansin niya yung mga pag-babago ko, he tried to win me back, but its already too late, wala na yung feelings ko para sa kanya.(ang drama diba)

may karugtong…

~ by KUR!SU on June 3, 2008.

8 Responses to “Rated “Ex””

  1. Di ko kilala si Anon1 and Rick (or di ko lang maalala si Rick).

    Mart is Bura**
    Bosh is codename TOGE
    Roldan is R*MP

    I know super tagal na ang Roldan incident. We made fun about it countless of times na. (Yes, dear readers, ako ang best friend ni author na nakita nya na nakipaglaplapan kay Roldan).

    I broke up with Roldan after a few weeks (or days ba?). He was an arrogant bastard and it was not worth it talaga na nag away kami ni author because of him.

    Clarify ko lang: in my POV di ko naman inahas si Roldan kay author. Dahil in the first place break na sila at nakalimutan yata sabihin sa ken ni Roldan na “they were trying to talk things out or mend things…”… I do not naman deny the fact na dapat di na lang. LOL. Kasi it’s like unethical for sisters to share BF. (though di naman talaga share).

    Medyo matagal din na di nag usap until that one Christmas Party with the same set of friends somewhere in Intramuros. Siguro we realized na pointless mag away because of one boylet na aminin natin, di naman masyadong kagandahan…

    Teka pala, nakita ba natin sya sa eatwood bago ka umalis? nung nilibre mo ko sa jollibee?

    (approve mo to or tampo ako forever)

  2. Susme, pang isang separate entry na ang reply mo ha,lolz. yeah, we saw roldan @ eastwood (nung tinakasan natin siya,lolz). Anon01 was 2001 era pa, Rick is the tall, dark guy, ah basta.

  3. aantayin ko ang entry mo sa”ex” mo na dahilan ng ating “soul-searching” sa galera at ang countless na nyomo nights sa makati… god, i miss those times, hehehe

  4. naman…mid-year (or life?) inventory talaga! o sya, isulat na ang karugtong…

  5. Its good that you didnt lost track yet. Fond ka rin pala sa chatchatchat. Nyeta, tunay ngang makulay ang buhay sa pamamagitan ng chatchatchat. Marami na rin akong nahalukay sa chatting sensation na yan. Naging makasalanan ako ateng Marian dela Riva dahil dyan.

    Naaliw naman ako sa eksena ng Maria Makiling na decibel levels ng blagadagdag ng door. Aliw! :) Bwahaha.

    I look forward sa next post. Sana magpost ka rin about bad meet-ups. A lot of bad meet-ups happen in the chat world. Merong chaka, merong ubod ng chaka, merong mukang may sariling parlor, merong may susu-susuhan, alam mo yun, share mo ang vivid colors dahil nakaka aliw di po ba. haha.

  6. Oist, mag-update ka naman.
    Tapusin mo na tong kwentong to.

    Next time mo na basahin yung stories na pinadala ko sa yo.

    (Natanggap mo ba?)

  7. eksena!

    @ Mareng Apols: yung nyomo sa pad ni mama kahit mid-week, at derecho swim sa pool kahit walang baon na pamalit ng damit, hayyyy…

    @ Gibo: naman! sa sobrang ka-tigang-an dito, hayun, hanggang pag-babalik tanaw na lang ako,lolz.

    @ O-boi: nice idea, sige sige, halukayin ko ang baul ng aking nakaraan.lolz

    @ Kevin (panindigan talaga na kevin sya): send mo pa yung vault 3 and 4

  8. isa kang certified pokpok joke!! ang dami namang boys!!!! hahaha ..

Leave a Reply