Orbit: d (mis)adventure Part 1

Sumama ang bida nating si Sheryl kay Romnick, at habang patawid sila ng kalsada ay biglang nag-ring ng walang pakundangan ang cellphone ni Sheryl, sinilip nya mula sa bulsa ng kanyang itim na pantsuit kung sino ang istorbong tumatawag, pangalan ni Mane ang lumabas (honga pala, 2am ang usapan nila na magkikita-kita ulit sa mcdo), nagpasyang deadmahin ni Sheryl ang tawag ni  Mane, nagtanong si Romnick kung sino ang tumawag, sinabi ni Sheryl na wala, miskol lang daw.

 

Grand Entrance

Naglakad ng naglakad (ng naglakad ng naglakad) ang dalawa at binaybay ang tahimik na mga kalsada ng Makati, “putek akala ko ba malapit lang, hindi ko na mabilang kung ilang stop light, ilang underpass at ilang 711 na ang nadaanan namin” kyeme ni Sheryl sa sarili. After 48.75 years ay narating nila ang JP Rizal street, may nilikuan sila na village pakanan, pagkapasok ng main gate ng village, dalawang tumbling lang ay nasa tapat na sila sa isang malaking bahay, mejo madilim sa labas, binuksan ni Romnick ang gate, at inanyayahan si Sheryl na pumasok. Sa back door sa may kusina dumerecho si Romnick, gustuhin mang sa main door dumaan ni Sheryl para grand entrance, sinenyasan siya ni Romnick na sumunod sa kanya. Pagkapasok ng dalawa ay dumerecho sila sa sala, mejo madilim sa loob, ang ilaw sa poste sa labas lamang ang nagbibigay liwanag sa buong sala nang bigla-biglang ay may tumayong anino mula sa sofa, anino na may mahabang buhok (imagining nyo na lang yung drum roll sa isang horror movie pag biglang may sumusulpot na monster).

 

Aparisyon

Ang anino pala ay pagmamay-ari ng isang matandang “LOLA”, yes as in sirena, diwata pero gurami (no offence, pero mukha siyang matandang parlorista na long hair). Nagkatinginan sila ni Romnick at tumango lang ang “lola” at saka umakyat sa 2nd floor ng bahay. Inaya naman ni Romnick si Sheryl na pumasok sa isang sliding door na nandon din sa sala. Pagpasok sa sliding door (TIME SPACE WARP, NGAYUN DIN!) “ano ito, isang lumang parlor?, wala akong balak I-pakulot ang wavy hair ko” dialogue ni Sheryl sa sarili, napapadalas na ang pag-kausap ni Sheryl sa sarili lately kaya mejo kinakabahan na rin siya. Pumasok si Romnick at dumerecho sa may likuran ng tukador, may kama pala don at dito siya ay humiga, hindi na nagpatumpik-tumpik si Sheryl, sumunod na rin sya sa kamang pang-isahan. Habang nakahiga si Romnick, pumatong si Sheryl sa tiyan ng lalaki, hinuhubad naman ni Romnick ang pantsuit ni Sheryl habang gumigiling ito to the tune of my humps. Matapos ang ilang acrobatic acts ay naabot ni Sheryl ang langit, ngunit parang nahirapan si Romnick na abutin din ang langit kaya nagpasya sila na i-pack-up na ang eksena. Tumayo si Sheryl at tinanong kung nasaan ang banyo, itinuro ni Romnick ang kurtina, at sa likod nito ay may lababo, walang choice ang Sheryl kung hindi magbanlaw sa ibabaw ng lababo with matching tabo.

 

Grace Under Pressure

Bumalik si Sheryl sa kama at isinuot ang pantsuit nya, kinapa niya ang cellphone nya sa bulsa upang i-text si Mane at Tina, ngunit kahit anong kapa ang gawin nya, hindi na niya mahagilap ang cellphone. Habang busy sa kaka-pagpag ng pantsuit nya si Sheryl ay siya namang biglang dialogue ni Romnick ng “o sige bayaran mo na ako ng two thousand” habang tumatayo ito sa kama. “P2,000?wala naman tayong pinag-usapan na bayad ah” may I say ni Sheryl, saka lang biglang nag sink-in kay Sheryl ang mga pangyayari. DING! May biglang malakas na bell na tumililing sa tenga ni Sheryl (“oh no, this is sooooo not happening to me”, dialogue ulit ni Sheryl sa sarili) pero sa edad na iyon ay nakakitaan na ng beuconera qualities si Sheryl, grace under pressure ang drama nya. Parehong bihis na ang dalawa, at ang Romnick, buo ang loob (with full conviction) na singilin si Sheryl ng P2,000 habang ginagalugad ni Sheryl ang buong kama sa kahahanap ng cellphone. Dialogue ni Sheryl, “babayaran kita pero tulungan mo muna ako hanapin yung cellphone ko” (maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian na alam ni Sheryl kung nakanino ang cellphone nya, pero ayaw niya ng maagang  komprontasyon, kailangan niya ng extrang oras upang makapag-isip ng mga susunod na gagawin). Ini-lock ni Romnick ang sliding door habang nakaharang sa gitna nito, si Sheryl naman ay ginagalugad ang buong parlor, bawat tukador, bawat flower vase pati mga kahon ng sapatos, bawat drawer (kailangan niyang mag-isip ng mabilis, ng maayos, alam niyang nasa alanganing sitwasyon siya) sa huling drawer na binuksan niya, may nakita siyang putol na refill blade ng cutter, walang ka-ano-ano ay kinuha  niya iyon at inilagay sa bulsa sa likod ng pantsuit niya, hindi niya alam kung bakit basta nailagay lang niya.

 

Ikalawang Aparisyon

Mag-iisang oras na silang nag-papaikot at nagsisigawan sa kwarto, sinabi na ni Sheryl ng harapan kay Romnick na ilabas na nito ang cellphone nya (alam niyang hindi na ito maibabalik sa kanya,pero kailangan lang niyang pahabain ang oras), todo-deny naman ang lalaki at patuloy na hinihingi ang P2,000 niya, sa kaka-deny ni Romnick ay binuksan niya ang naka-lock na pintuan at sinabi kay Sheryl  na hanapin niya sa buong bahay ang cellphone niya kung makikita niya. Eto naman ang isang pag-kakataon na hinihintay ni Sheryl, ang makalabas sa kwarto na iyon. Ang komosyon ay lumipat sa sala, nagiging pisikal na rin si Romnick at sinimulang tulak-tulakin si Sheryl. Mula sa 2nd floor ay muling nag-aparisyon ang “lola” at nagtanong kung anong problema (in a Celia Rodriguez tone). Sinabi ni Sheryl ang nangyari, na inimbitahan lang siya ni Romnick na sumama sa bahay na iyon pero ngayon ay sinisingil siya ng pera bukod pa sa cellphone na kinuha sa kanya, malumanay na nagsalita ang “lola” at sinabi kay Romnick na hayaan na si Sheryl at pauwiin na lamang ito, lalong naging mabangis si Romnick at umaktong sasampalin si Sheryl, naging mabilis ang ating bida at inilabas ang blade na nai-tago niya sa pantsuit niya kanina at itinutok sa mukha ni Romnick, “ano sige sasaktan mo ako?” drama ni Sheryl, tumakbo si Romnick sa kusina (upang kumuha ng pagkain, op kors not, malamang kutsilyo din ang kukunin nito noh) kaya nakakuha ng pagkakataon si Sheryl na makatakbo sa main door, pero ng buksan nya ay naka-lock pala ito………..

 

Susunod…….

Makatakas kaya ang ating bida? Ano nga kaya ang kinuha ni Romnick sa kusina?Tao ba si “lola” o isang imahinasyon lang?

 

~ by KUR!SU on May 25, 2008.

3 Responses to “Orbit: d (mis)adventure Part 1”

  1. duda ko, tinawag ni romnick sa kusina si harlene…lalabas si harlene, sasabunutan niya si sheryl hanggang maging tuwid ang wavy hair nito…..

    waaahhh, bitin, can’t wait for the next post.

  2. I remember this.
    Wait for the next part… sobrang aliw and baliw.

    I hated you nung di ka nag text at nilamok ako sa harap ng mcdo.

    Pinatawad kita when I learned kung ano nangyari.

    harharhar.

    Uwi ka na, try natin ulit. (JOKE)

  3. @Gibo, si Harlene at si “lola” malamang ay iisa,lolz.

    @Kevin (whats with the new name,lolz), lekat ka, kanino ba kasing ideya ang pag-orbit na yan noh.

Leave a Reply