Cruising Time : ORBIT

May dalawang parallel na kalye malapit sa Greenbelt 1, at bago sumapit ang hating-gabi ay may mga aninong paikot-ikot, mga sasakyang pabalik-balik, paikot-ikot at pabalik-balik, kaya tinawag na ORBIT.

 

Isang gabi ng taong 2004, naisipan “umorbit” for the first time ng pink na triplets, si Sheryl ang pinaka-chinita sa tatlo, c Mane ang pinaka “matimbang” sa triplets noong mga panahon na yon (parang si manilyn ngayon na sumobra sa timbang compared sa dalawa niyang kasabayan, pero currently ang Mane sa istorya na ito ay natuyuan na ng babyfats at reyna na ng fitness first) at si Tina,  wala syang hawig ni katiting na katangian kay Tina Paner except yung katarayan ng nanay nya na si Daisy Romuladez, pero gawin na rin natin siyang si Tina para makumpleto ang triplets.

 

Pagkatapos lumafang ng Chicken-Spaghetti meal ng Mcdo at mag dessert ng strawberry milkshake, sinimulan nang mag alay-lakad ng Tres Marias. Nilakad nila ang kahabaan ng kalye mula sa kanto ng isang international school na matatagpuan halos katapat lang ng Mcdo at GB1. Sa kalagitnaan ng kanilang “pamamasyal” ay narating nila ang isang convenient store, kaya naisipan ng triplets na magpalamig at magpahinga muna para freshness bago pa man magsidatingan ang mga “booking”. Habang lumalagok ng medium iced tea at humithit ng suba sa labas ng convenient store ay napag-usapan ng triplets kung paano ang gagawing eksena.

 

Ang kalakaran daw kasi sa lugar na ito ay, basta tatayo ka lang na parang Japanese school girl na nag-aantay ng bus (with matching super micro-mini skirt at mahabang medyas if available) kahit wit naman public transpo na nalilligaw ditey maliban sa pailan-ilan na taxi at di magtatagal ay may dadaan na mga kotse at pag bet ka ay hihintuan ka. Kaya nagpasya ang tatlo na popostehan nila ang tatlong magkaksunod na poste ng ilaw (popostehan ang poste, whats redundant davah) sa kalsadang iyon at kanya-kanya nang eksena kung paano mapapansin.

 

After 10 years at ilang kilo ng kabute na ang umusbong sa mga paa ng triplets sa kaka-tayo ay sunod-sunod na ang mga dumadaan na sasakyan, kotse, pajero, crv. May mga hihinto lagpas ng kaunti sa iyo na hihintayin ka kung susunod ka ba or hindi, meron namag garapalan na hihinto sa tapat mo at magtatanong ng kunwari about the essence of being a woman or your views about the climate change, the political killings at kung ano-ano pa.

 

After an hour or so, nagsensyasan ang tatlo na back to barracks muna, nagkita-kita uli sila sa convenient store to exchange notes tungkol sa mga na-observe nila nung gabing yun (opo, hindi nila balak magpaka-pokpokita, ayon sa press release nila ay gusto lang daw nila i-try kung totoo nga ang mga bulong-bulungan tungkol sa lugar na yon). Kwento ni Tina, may huminto daw sa tapat nya na crv at nagtanong na “are you for free or for a fee?”, sumagot naman si Tina na “Im for a fee”, hayun umalis daw yung otoko. Mega payo naman si Sheryl sabay sabunot sa makapal na buhok sa dibdib ni Tina, “Magmaganda ba, ano ba,1st trial natin tonight, kung baga sa department store, big opening sale, kaya dapat free taste test ang eksena” , sabi naman ni Tina na nasabi lang daw nya yun just to discourage the guy.

 

After one round ng suba, nagpasya ang triplets na mamasyal at i-explore ang area pabalik sa Mcdo, para mas exciting, pumili sila ng kanya-kanyang kalyeng dadaanan pabalik sa meeting place and to make it more challenging, may time limit, dapat bago tumunog ng buzzer ng 2am lahat nasa  finish line  na. Kaya naghiwa-hiwalay na ang mga bida, habang inumpisahan na ni Mane at Tina ang “pag-e-explore” ng mga napili nilang kalsada pabalik sa Mcdo, nagpaiwan naman si Sheryl (for more kabute in the poste), pero after another 10 and ½ years, naisip nya na walang career sa lugar na yon kaya nag mini-mayni-maynimo sya kung saan kalsada sya dadaan pabalik ng mcdo. Habang rumarampa ang Sheryl, may naaninag siyang anino sa di may kalayuan, anong ginagawa ng aninong ito sa ganitong oras ng gabi (madaling araw na pala)? Kanina pa kaya siya? Is he for free or for a fee? Nakaka-ilang kilo na kaya siya ng kabute sa paa? Nang napadaan ang Sheryl sa kinatatayuan ng lalaki, nagkatinginan ang dalawa sabay smile sa isat-isa, pang close-up tvc ang eksena. Biglang nagtanong ang lalaki (itago na lang natin siya sa pangalang Romnick) kung anong oras na (oops, typical pick-up line, isang malaking check,  kaya wit na magpatumpik-tumpik dahil booking ito 100%)  dahil walang relo ang Sheryl, tiningnan nya sa cellphone nya ang oras sabay sabing, “its 2am already”. After a few pagpapacute sa isat-isa, nag-aya ang Romnick, malapit lang daw ang bahay niya sa lugar na yun kung ok lang daw na imbitahan sya. After 2 minutes na pagpapakipot ay umoo na rin ang chinita. Sabay na umalis ang dalawa habang tunog ng tunog ang cellphone ni Sheryl, sila Mane at Tina ang tumatawag nasa finish line na sila.

 

Susunod…………………ang (mis)adventure ni Sheryl sa piling ni Romnick

~ by KUR!SU on May 22, 2008.

2 Responses to “Cruising Time : ORBIT”

  1. hahahahaa
    naalala ko itow
    though hindi ako sure sa casting, pero tanda ko ang insidenteng itey

  2. haha, mukhang ibang season/episode yung nasa isip mo, hehe.

Leave a Reply