Ang Pagsilang

Ang tagal ko na planong magkaroon ng sarili kong blogsite, kaya lang mejo hesistant si watashi kase feeling ko im not that good in English, syempre pag sinabing blog, eto yung mga personal ideas, happenings  at mga kung anik-anik sa buhay ng isang tao na isinulat nya for public consumption, at mas effect ito kung isinulat na punong-puno ng mga maka-nose bleeding words and phrases. Kaya naman all these years, nakuntento lang ako sa mga pasilip-silip at nakikibasa sa mga blog ng may blog.

 

Pero pero pero, naisip ko, napapanahon na, before the internet becomes full by 2010 (ayon sa nabasa ko sa isang blogsite na nabasa daw nya sa yahoo news) its about time to have my own space sa malapad na mundo ng sapot (www). Salamt sa mga blogs tulad ni Ate Wanda (though nde kame close at magkakilala, i-special mention ko pa rin sya), kay direk Jun Lana (nde rin nya kilala si watashi, hehe) na-realized ko na hindi kailangan magaling mag ingles para makapag-blog, as long as naisusulat mo kung ano yung nasa isip at puso mo, in your own way and personality, pasok ka sa pink na banga. Kaya naman starting today ipinagsisigawan ko sa buong mundo, MAY BLOG NA AKO!

 

~ by KUR!SU on April 28, 2008.

Leave a Reply