The fall of USA (again!)
Posted in Hindi Mawari on July 14, 2008 by KUR!SUMiriam Quiambao’s legacy to the Miss Univerese lives on
Mexico 2007
Vietnam 2008
Miriam Quiambao’s legacy to the Miss Univerese lives on
Mexico 2007
Vietnam 2008
Para kay “mare”, na karamay mo sa lungkot man o ligaya, basta may bottomless ng san mig light
Para kay “mamu”, na siyang nag sisilbing ina ng barkada, as in ina ng laging saklolo
Para kay “ateng”, na siyang palagiang gumagabay sayo, mapa-dark room man or sa maze, dry or wet sauna nung first time mong mag “CB”
Para kay “dude”, na discreet top ang drama kahit na kasing haba ng flyover sa edsa ang mga pilantik ng daliri.
Para kay “bro”, na madalas sa fitness first hindi para mag pump ng muscles, kung hindi para manood ng mga nagpa-pump ng muscles
Para kay “tsong”, na patuloy na hinahalugad ang internet sa kahahanap ng seryosong relasyon.
Para kay “Diego”, na walang magawa kung hindi tanggapin ang katotohan na siya ang bagong pambansang mukha ng isang katawa-tawang bakla.
Para sa mga “Marcova”, na napaglipasan na ng panahon na ang tanging karamay ay ang mga gunting at suklay
Para sa mga “Ada”, na patuloy na nagmamahal sa mga “derecho” sa kabila ng walang kasiguraduhan na mamahalin din sila nito.
Para sa mga “Didi”, na patuloy sa pagiging matapat na kaibigan
Para sa mga doctor, inhinyero, abogado, guro at iba pang mga propesyonal na hindi makapamuhay ng “Malaya” dahil sa pangamba sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid niya.
Para sa mga doctor, inhinyero, abogado, guro at iba pang mga propesyonal na namumuhay ng “Malaya” dahil pinatunayan nila na ang bakla ay hindi pang-parlor lamang.
Para sa best friend mo, na mas naging lalaki pa kaysa sa boyfriend mo nung panahon na nabuntis ka at iwanan nito.
Para kay kuya, na nagsisilbing ama sa kanyang mga kapatid
Para sa anak, na madalas maging shock absorber ni ina sa paghihirap sa pagtataguyid ng pamilya.
Para sayo, na patuloy na nagbibigay ng kaligayahan sa mga tao sa paligid mo kahit na hirap kang mahanap ang kaligayahan para sa sarili mo.
HAPPY PRIDE MONTH
Just two nights ago, na-“raid” yung isang room ng mga Filipino tradesman dito sa loob ng kampo namin (tradesman ang tawag sa mga skilled workers dito sa company namin). Nahuli sila sa aktong nag-susugal (“tong-its” with pera) at umiinom ng alak (yes, kahit bawal ang alak dito, pero may usong alak dito na tinatawag na “sadike”, para siyang gin na ewan). Mejo ok na sana, since hindi naman mga mutawa (moral police) ang nang-raid, mga company security lang. Kung mga mutawa kasi ang nakahuli sigurado kulong sila, super bawal kasi dito sa KSA ang alak at sugal. Ang kaso, noong sinimulang halughugin yung mga gamit nila at mga cabinets nakita ng mga security ang ibat-ibang company properties, mga bagong bed sheets, safety shoes, gloves, machine drillers at pati mga plato ng mess hall namin na nakalagay na sa box at puro masking tape na, yung tipong ipapabagahe na (to quote yung isang pinoy na nandoon during the “raid” in his genuine batangueno tone, “alay eh, kayhit na kakaba-kaba ako ng mga oras na yaw-on, now-ong makita ko yaw-ung mga patung-patong na plato, ang unang sumagi sa isip ko eh yaw-ung patalastas ng Joy lekwid ditargant”). Kaya kinuha lahat ng iqama (working visa) nila, and plano sana na dalhin na sa Riyadh the following morning (kahapon ng umaga) to process their papers at pauwiin na. Everyone on that room (12 tradesman per room kase, unlike sa staff 2 person per room lang) pareho lahat ang unang sinstensya sa kanila, ang pauwiin lahat, kawawa naman yung dalawa na less than a month pa lang kakarating at walang kinalaman dun sa mga pinag-gagawa nung iba, tapos yung isa naman naka-duty sa site nung mga oras nangyari yon. Then kaya pala naging ganon ang desisyon ng administration, ok na sana yung sugal at alak, total nga hindi naman mutawa yung humuli sa kanila, ang malaking kaso nila eh yung pagkuha ng mga company properties.
Gusto ko man, pati na rin kaming lahat na mga filipino staff na magbigay ng suporta pero yung pagnanakaw nila sa company eh parang ang hirap yata idepensa. Isang Filipino tradesman daw ang nakaranig na sinabi ng camp boss namin na isang itik (indiano) na hindi na daw dapat irespeto lahat ng filipino sa kampo namin, mapa tradesman man or staff. Abababa, sabi ko pasalamat siya at hindi ako ang nakarinig non, ako madami akong nakilalang itik dito na mga engineer daw, pero (as much as I don’t wanna say this) pero mga bobo, mang-mang at tangga karamihan sa kanila, not to mention yung kakaibang amoy nila. Pero sa kabila noon, hindi ko or kaming mga pinoy, ni kailan man generalized na bobo, mang-mang at tanga silang lahat dito sa kampo namin, dahil kahit papano, may mga naging kaibigan din kame na kalahi nila na mababait (kahit na mejo hindi rin ganun kagalingan). Paksyet, I’m afraid that im starting to become a racist.
Met him sa net (pa rin!) pero hindi na sa chat room, he is 12 years older than me. Sabi ko, eto mejo mature, siguro naman hindi na gagawa ng kalokohan ito. Everything was ok, I stayed at his house every weekend, ipagluluto niya ako ang ng favorite namin na spanish adobo. But I still have to go out with my chatter friends, I was one of the most active chatter sa room that time, organizing sportsfest , outings, and other group activities (wholesome lahat yun ha). After meeting with my friends and discussing our current project, dadating siya at susunduin ako. Hindi siya sumasama sa mga meetings/activities namin, nandun lang siya sa car park naghihintay. After a few weeks, he started to demand more time just for the two of us. Eh ako yung tipo na “ako ang nagdadala ng partner ko sa grupo ko” at hindi yung “ako ang ilalayo ng partner ko sa grupo ko”. Ayaw kong ipangako sa kanya ang isang bagay na hindi ko kayang ibigay (oo na, selfish na kung selfish) kaya we decided to call it quits (nde ko na matandaan kong “we” nga or “I” lang).
My first try on LDR, as usual sa net ko (na naman!) siya nakilala. Taga Pangasinan siya, so every other weekend buma-byahe ako at sa kanila ako natutulog. Kaya naman may mga ready-made na ako ng listahan ng mga excuses sa bahay. Kasal ni ganito sa probinsiya nila, binyag ng anak ni ganyan sa probinsiya niya, out of town reunion ng grupong chorva at kung anik-anik pa. At sa buong sabado at lingo na magkasama kame, walang katapusan ang dukit, na gustong gusto ko rin naman, hehe. Kaso dahil nga sa magkalayo kame, during weekdays kailangan bawat galaw ko i-te-text ko sa kanya, gusto niya pagka-galing ko sa opisina derecho agad sa bahay. Noong umpisa touch ako, mejo strong kase personality ko, so kilig ako (deep inside) pag may nagma-mando sa akin. Kaso hanggang text lang yung pagma-mando niya, hellow! Gasino bang sabihin kong nasa bahay na ako at natutulog habang ang totoo, lumalaklak pa ako ng kape sa starbacks (pero madalas alak, hehe). Dumating yung time na nagsisinungaling na ako sa text (kahit valid and clean fun naman yung mga paglabas-labas ko) para wala lang mahabang paliwanagan pa. The relationship drained me (from constant dukit at kaka-byahe) kaya divorce din ang kinabagsakan.
No need to ask! Dahil sa net ko rin siya nakilala. After a few exchanges of messages, we finally decided to meet in person, nag-diner, nag-movie, nag-kwentuhan habang nilalakad ang ayala ave. mula glorieta papuntang buendia-taft ave., it was one of the nicest conversations I ever had from any people I’ve met for the first time. We “clicked” kung baga and so we’ve become a couple, I brought him to my group and even became part of it (this time I have a new set of friends though net-based pa rin siya at tuluyang tinalikuran ang buhay chatter). I can say that it was one of the most (if not the only) serious relationship that I ever had. Everything was very ok, but then again dumating yung time na parang nagsawa ako, after almost seven months (the longest I ever had) parang the spark just suddenly disappeared. We decided give each other a space, and during those times, instead of finding ways how to make the relationship work, I slowly set my mind na sa hiwalayan din ang tuloy nito, so slowly I started to let go. And during this times, madalas ang pag-sigaw ko ng “ALAK NA!” sa shout box ng forum site where I belong, na tipong kahit lunes pa lang, lahat sila ay sasamahan ako lumaklak ng alak sa roof top ng pad ng tropa namen. I was very sad then, not because another relationship was about to end, I was sad because I felt that I can not feel the pain anymore of losing another person I love, I was scared at that time that I was slowly becoming numb. When the time came that we have to face each other and finally talk about our relationship, wala na, nakapag let go na ako, hayun, gaya nung simula ng relasyon namin, winakasan namin ito habang naglalakad mula megamall papuntang nipa hut restaurant sa pasig (near Ultra Stadium) to meet our friends. (It was also during this time na naging full pledge alcoholic ako,lolz.)
9. Jon
After Bong, I have been happily single for more than a year, until Jon came, I was never looking much less waiting for someone to come. Biglang out of nowhere dumating lang siya, nakita daw niya profile ko sa friendster. He lives in Cabanatuan, so LDR in the making na naman itey. Sa umpisa sinasakyan ko lang yung mga pagpapacute niya, sabi ko, intayin natin pag nagkita tayo in person. And so we’ve met, everything was ok, super sweet siya, mahilig mangagat, hindi issue sa kanya ang PDA, na sometimes ako na ang nako-conscious. Gabi-gabi umuusok ang mga cell phone namin(salamat sa call-al-you-can ng Sun Cellular), 2 hours (at least) na walang humpay na pagpapacute sa isat-isa (na ultimo kulay at kung ilang stripes ang lamok na kumakagat sayo eh maike-kwento nyo sa isat-isa basta may mapag usapan lang kayo). Ang eksena nya sa buhay eh nagkalabuan na daw sila ng last bf nya (na hawig daw ni Sam Milby ayon sa press release nya,at nakita ko naman yung pic sa cell nya,.mejo may hawig nga, siya naman eh may kaunting hawig kay Drandreb Villeza). After almost two months, hayun, nalaman daw ng ex nya ang relasyon namin at gusto makipag-balikan, hindi ko na sya pinapili, I told him to go back to his sam milby and and give me back my life., anong magagawa ng isang deejay durano look-a-like sa isang sam milby look-a-like diba?!And during that time, (the real) Sam Milby’s career is on upswing, kahit saan ako lumingon mukha niya nakikita ko sa buong edsa, mapa-tricycle, jeep or bus, naririnig ko boses nya habang kinakanta yung theme song ng tooth paste na ine-endorse nya, pag tambay ako sa bahay, puro tv ad naman nya napapanood ko kaya eveytime na makkikita or maririrnig ko siya naaalala ko yung boyfriend niya na binalikan niya,lekat! ang hirap mag let go diba This was one of the most “pang-famas” episode time of my life.
Just Wanna Share: Our family business is finally closing today.
I feel very sad for my dad, who worked very hard for this. Who worked hands-on doing production jobs, to set an example to our employess and just to show them how much he loved the business.
I feel very sad for my brother, who cannot just find another job that easily ‘coz he is not a college graduate, who have performed very good in our business, much better than me when I tried to help in managing the business for more than a year.
I feel very sad for our employess and thier families., who stood by us during the lowest times of our business. I remember one chirstmas season, they voluntarily shared cash so that we can celebrate a decent Christmas party.
I feel so useless, I wish I could have done something to prevent this from happening.
A L A K P A ! ! !
Pasencya biscuits muna mga kumare, mejo tuliro ako lately kaya hindi ako makapag-post ng mga eksena ko. Currently mejo windang ang mundo ko, matatapos na yung 1year contract ko dito sa August 08, pero Rolling contract kame, so hindi kailangan mag renew, bakasyon ka lang tapos balik ulit dito, ganun lang ng ganun hanggat gusto mo sa company na ito, pag bet mo na na lumayas, file ka lang ng exit saka ka nila pakakawalan.
Pero ang eksena ko right now is, we are in the verge of losing our small family business in the Philippines (sosyal diba, tunog mayaman, “family business”), pag nangyari yon, aside syempre sa mawawalan kame ng major source of anda (may parents, my younger bro together with his family na nasa pinas ang siyang directly nakikinabang nito, yung yonger sis ko naman eh nasa Singapura na nag wo-work since march this year lang), it will be a big blow sa tatay ko (Happy Father’s day po). He’s been working very hard for this for almost 5 years, and I know kahit hindi niya ipakita, super apektado siya pag nawala ito. Suggestion ng sis ko, right after I finish my contract sa august, derecho daw ako Singapura and try my luck there, then pag pareho na kame stable dun, saka namin kunin ang buong family tree sa pinas at dun na sa sinagpore mamuhay (parang ang daling gawin diba).
My intial plan, before this situation came up is, to ask for a negotiation with my boss, papa-palipat sana ako ng job designation, currently more on administrative ako, gusto ko sana ng technical na work (inhinyera kasi ako mga mare) at syempre iba din ang salary status nun. So eto na yung chance ko na ma-enhance yung engineering experience ko, may salary increase pa. After a year, mas malaki ang chance ko pumasok sa semis ng Miss U, este mas malaki ang chance ko na lumawak yung job opportunities ko pag nag-apply ako sa ibang bansa. Kaya lang, kung kakaririn ko nga yung suggestion ng sis ko regarding our future plan for the whole family tree, I have to let go of my personal plan para sa career path chorva ko.
Two days ago, I decided na gogora na nga ako sa Singapura sa august (Reason no.1. I found out na meron ino-offer na 1year visa ang Singapore government sa mga foreigners na gusto maghanap ng work sa kanila, pero you have to be a graduate of certain school from your country, and luckily, my school is one of the 6 schools listed from the Philippines, so wit na mag-exit, re-entry ng singapura pag wala pa rin ako work after one month; Reason no. 2. Yung isa ko kasama dito, nag fly away na to accept a job offer sa Singapore, so siguro by august stable na siya dun, at pagpunta ko dun, and after 2 months wit pa rin ako work, sya ang last resort ko na pwedeng lapitan for a job referral.) Kaso, sabi ng horoscope ko kahapon (c/o Friendster, na hindi ko na i-save kaya hindi ko ma-post ng buo ngayon) na ipagpaliban ko daw muna ang mga desisyons ko regarding, love (nyetang love yan), career at kung kung ano-anong chorva, leave things as it is for the mean time and wait for the signs of the universe (paolo cohello ikaw bayan) before you finally decide. Bukod sa chorva ng horoscope ko na ito, napag-isip isip din ako na, parang mejo risky din ang gagawin ko, pag nag-resign ako, mawawalan ako ng income, so if ever nawala yung business namin, saying din yung ipapadala ko sana sa pinas kung may work ako dito sa KSA. Ah basta magulo, parang gusto ko sumigaw ng A L A K ! ! ! ! !
Madami-dami na rin ang nag-daang lalaki sa buhay ni selya este sa buhay ko pala. There even came a time that I lost count kung pang-ilan na ba si ano. Each one has its own story to tell, and I will be sharing most of them sometime soon, pero for the mean time, tag-isang maikling talata muna ang panahong kaya kong ilaan para sa kanila. Sila ang mga lalaking nagdaan sa buhay ko, or ika nga ng nabasa ko sa kabilang blog, ako ang dumaan sa buhay nila. (Paunawa: ang mga pangalang nasa ibaba ay sadyang binago upang protektahan ang pribasiya ng bawat nauugnay. Pero may clue! Mga sounds like yung mga names nila, bwehehehe)
1. Annonymous 01
Nakalimutan ko na pangalan niya, pati nga itsura niya nakalimutan ko na rin , sabi ng friend ko na meet niya 48 years later (being a generous friend that I am, ipinasa ko sa kanya yung number nito) mukha daw itong parot. Met him sa Puerto Galera mga early 2001, noong gabi ng katangahan ko at nawala ako at hindi ko mahanap yung bahay na tinutuluyan naming ng mga friends ko. Ako naman ay virgin pa sa ganitong kalse ng lifestyle noong mga panahon na iyon kaya, Let’s go-sago! agad ako nung tanungin niya kung kami na nga. After a few days (korak! days lang ha) na-realized ko na hindi pala ako in-love sa kanya. Na in-love lang ako sa feeling ng being-in-love, gets mo? Yung tipong, dahil nga sa bago mo palang sinusubukan ang ganitong lifestyle, excited ka, na for the first time, magkaka-jowa ka na, malas lang niya at siya ang natapat as first time ko. Last I heard, bumalik siya ng japan para gumiling ulit.
2. Mart
Namulat ang pink na mundo ko sa chatting. Siyempre dahil baguhan pa lang, feeling ko isa akong Betty La Fea. Eto si Mart naman ay isa sa pinaka-popular sa chat room, pati grupo nya popular din, kaya 1,000 confidence level points agad nung simulan niya akong pansin-pansinin sa chat room. And eksena nya, katatapos lang daw nya sa isang relasyon at hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin. Ako naman, mala Marian Dela Riva ang drama na birhen na mapag-bigay at handang maghintay. Kinabukasan sabi niya kami na daw, dahil dumating daw yung sign na hinihintay niya (malay ko kung zodiac sign or traffic sign ang ibig niyang sabihin). After two weeks of pagpapa-cute sa isat-isa nag-agree kame na mag-EB, date sa (lumang greenbelt) park ito, with matching nakapatong ang ulo nya sa lap ko habang nakahiga siya at ako ay naka-upo sa bench sa gitna ng park under the moon and stars. May binigay siyang singsing sa akin, kaso kahit anong gawin kong suksok, ayaw magkasya sa mga daliri ko, hindi ko pa alam ang konspeto ng lubricant noong mga panahon na iyon, kaya binawi na lang niya yung singsing. Yung wholesome na date nauwi sa chek-in sa mot-mot. Kinabukasan nagkita ulit kame, nagsimba, kumain sa labas, at sa gitna ng diner sinabi niya na kung pwede friends na lang daw kame. That same night hinila ko ang dalawang kaibigan ko at “nagpa-presscon” kasama ang 10 bucket ng San Miguel.
3. Bosh
Another popular guy sa chatroom (aba, kailangang mabawi ko yung 1,000 confidence level points ko noh). Before we met, binalaan na ako ng isaa kong friend whom he met earlier about this guy, hindi ko alam kung bakit basta sabi ng friend ko magsisisi daw ako. At ako naman, still birhen-birhenan pa rin mala Loraine Shuck sa ganitong lifestyle ay deadma lang, mahal-ko-siya-mahal-niya-ako-kebs-ang-the-rest ang drama ko. Dumating ang revelation day, pumunta ako sa isang mini-GEB (grand eye ball) madameng chatter, finally we meet in person, andun din yung dalawang ex niya, at tatlo kameng syota nya. Napahigpit ang hawak ko kay San Miguel, at doon ko na-realized na may future ako bilang alcoholic.
4. Roldan
I met him sa isang bowling eb, mukhang namang matino. Hindi pa siya chatter, karay-karay lang siya ng isang chatter na kaibigan niya. At dahil hindi pa chatter, malamang wala pang kagaguhang alam ito (or so I think). Naging kami in other words, at sa pagsisimula ng relasyon namin, nagsimula din siya matutong mag-chat. At dahil maliit lang ang mundo ng chatting, may mga pangyayaring nalaman namin tungkol sa isat-isa na nauwi sa hiwalayan. After a few weeks, nagkasama kami sa isang overnight swimming sa laguna with the other chatters. Gusto ko sana i-try kung pwede pa mag work-out yung relationship namin. That time kase masyado na ako napagod sa kakapalit ng “jowa”, pagkatapos ng isa, may nakapila na kapalit agad, madaming reserba kung baga. Hindi ko bet ang ganoong kalakaran, gusto ko ng seryoso, wagas at tunay na pag-ibig yung tipong aabot ng kasalan sa simbahan. Ok naman nung gabi, were started to be intimate ulit. until I got drunk (salamt sa tequila) and passed out. Pag-gising ko kinabukasan, pag-labas ng pintuan, ang unang eksena tumambad sa akin ay siya at ang bestfriend ko na naghahalikan, lips-to-lips-tongue-to-tongue-beside-the-pool-under-the-morning-sun ang eksena nila. Umabot hanggang bundok ng Makiling ang lagabag ng pinto ng isarado ko ito pabalik sa kwarto, nag-empake ako and I took the earliest flight back to manila (courtesy of Victory Liner).
5. Rick
Met him sa chatroom pa rin (walang kadala-dala diba). Ok naman sa simula, even my straight friends met him, and they all agree na mabait na tao si Rick. Kaso nagsimula siyang mag-kwento tungkol sa ex niya na pumapasyal daw ulit sa kanila (he is living alone) dahil may problema daw ito at dahil may pinagsamahan naman daw sila kaya pinapatuloy niya. And I started to feel uneasy about the situation (I started to have issues regarding trust, fidelity and chorva during that time, maybe because of the past experiences that I had) so I started to slowly distance myself away from him and the relationship itself (sort of putting the barrier bacl again to protect myself). It was already too late nung napansin niya yung mga pag-babago ko, he tried to win me back, but its already too late, wala na yung feelings ko para sa kanya.(ang drama diba)
may karugtong…
Tumakbo si Romnick sa kusina (hindi para mag midnight snack, pero hinala ni sheryl ay kukuha din ito ng kutsilyo), nakakuha ng pagkakataon si Sheryl na makatakbo sa main door, pero ng buksan niya ang pinto ay naka-lock pala ito. Pero, pero, pero swerte pa rin ang ating bida dahil ang susi ay nakatusok lamang sa door knob ng pinto, kaya nabuksan din niya ito at tuluyang nakatakbo papalabas ng bahay.
DEAD-end
Nakatakbo palabas si Sheryl ngunit sa pagmamadali ay ibang dereksyon ang tinahak niya, sa halip na direksyon katulad kanina nung papunta palang sila, kung saan dalawang tumbling lang ang lapit ng main gate ng subdivision sa bahay ni kuya. Tumakbo siya patungo sa kabilang direksyon ng kalsada, madilim at parang walang buhay. Lumingon siya habang tumatakbo, at nakita niya si Romnick palabas ng bahay, may dalang chain saw (ay kutsilyo lang pala) kaya run-barbie-run ang eksena ng ating bida (with matching background music hango sa isang pelikula kung saan ang bidang babae ay hinahabol ng lalaki para gahasain). Napadpad siya sa madilim na parte ng subdivision, masukal, maraming puno, maraming wild animals,ching!. Maraming kotseng nakaparada sa kalye, naisip niyang magtago sa ilalim ng isa sa mga kotse, pero kung sakaling mahuli siya ni Romnick, siguradong puri niya ang mawawala. Nagpasya siyang patuloy na tumakbo (for more cardio exercise ito), kailangan niyang makatakas at makalabas ng subdivision. Hinubad ni Sheryl ang pirated na prada stilettos nya at walang humpay na tumakbo suot lamang ang kanyang itim na stockings. Takbong walang lingunan, naririnig niya ang mga umaandar ng jeep sa kabilang pader ng kalsada, tanda na may buhay sa kabila ng bakod. Narating niya ang dulo ng madilim na kalsada, ngunit may isang napakalaking gate na nakaharang (higit-kumulang 10 talampakan ang taas, yung purong bakal na walang butas, hindi tipikal na rehas na gate). Laking tuwa ni Sheryl, sa wakas makakalabas na siya. Pinutahan niya ang main gate ngunit naka-kandado ito, nakita niya ang pedestrian gate sa kanan at tinakbo ito, naka-pad lock din (this time ang background music naman ay hango sa horror film kung saan ang bida ay hinahabol ng monster at kung kailan nakakita siya ng pagkakataon makatakas, deadend pala)
Giant Leap
Bumalik siya sa gitna ng main gate at sinilip ang siwang nito, main street ang nasa labas at may mga nag-dadaanang mga jeep at sa bandang kaliwa sa labas ay may isang saradong commercial establishment na may dalawang guardian angel (guardia) humingi siya ng saklolo dito, at sinabing may humahabol sa kanya. Wala naman magawa ang mga guardia sibil dahil wala silang susi ng gate (moral support lang ang nai-alok nila sa mga oras na iyon). Wala nang maisip ang ating bida, wala na siyang ibang choice, kailangan niya makatakas, pumulot siya ng bato sabay sigaw ng darna (pero wa effect ang bato), umikot siya ng tatlong beses sa pag-aakalang magbabagong anyo siya bilang si wonder woman (at sa paghinto niya sa pag-ikot ay siya namang nagsimulang umikot ang mundo sa paligid nya, bad idea! sabi nya). Bagamat hindi na nya makita si Romnick kung hinahabol pa ba siya, huminga siya ng malalim at pinilit na inakyat ang gate (sporty ang ating bida, kung kanina marathon, ngayon naman hurdles) salamat sa girl power (at sa Enerva) at matagumpay niyang na-akyat ang gate at dahan-dahan siyang bumaba sa kabila nito.
Guardian Angels
Sumisilip na ang araw ng mga oras na iyon. Pinapasok si Sheryl ng dalawang guardia sibil sa loob ng opisina nila at na-i-kwento nito ang buong pangyayari. Nag-suggest naman ang mga guardia na magsuplong siya sa pulis at ipa-blotter ito dahil baka maunahan pa siya ni Romnick at baligtarin ang mga pangyayari at akusahan pa siya na pang-a-akyat bahay (napaka un-glamorous naman diba, sa dinami-dami ng pwedeng i-kaso sayo, akyat-bahay pa). Super bait naman ang mga guardia sibil at pinasamahan siya sa (cutie) na boy nila upang pumunta sa presinto. Hindi tinanggap ng unang presinto ang statement ni Sheryl dahil hindi daw nila jurisdiction iyon (at wala syang dalang proof of purchase), Itinuro siya sa kabilang presinto, nagpasalamat si Sheryl sa boy at sinabing bumalik na lang ito at siya nalang mag-isa ang pupunta sa kabilang presinto. Ikinewento muli ni Sheryl ang mga pangyayari sa pulis sa kabilang presinto at pinasulat siya sa logbook (na hindi mawari kung listahan ba ng pautang o pataya sa jueteng) Ibinigay din niya ang putol na blade na ginamit niya kanina. Sinabi ng pulis na parorondahan nila ang lugar na binanggit ni Sheryl, pero sa isip-isip nya, baket hindi siya isama ng mga pulis para maituro niya ang eksatong lugar. Pero masyado nang napagod ang ating bida, kaya nagpasyang mag-paalam na at umuwi na lamang.
Si Father
At dahil linggo na nang umaga noon, nagpasya si Sheryl na dumerecho sa simbahan bago umuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang magpasalamat sa panibagong buhay na ibinigay sa kanya. AT pagkatapos ng misa ay nilapitan niya si father para nangumpisal, may I admit naman ang ating bida kay father ng kanyang tunay na kulay, at na-ikwento niya ang mga nangyari ng nakalipas na magdamag. Mabait naman si father at naintindihan ang kanyang pagkatao, nagpayo pa si father na kesyo sa susunod daw ay wag na itong sasama sa mga hindi niya kilala na parang “have a few dates before sex” or something to that effect ang gustong sabihin ni father. Marami pang sinabi si father, at ang farewell message niya kay Sheryl ay “alam ko may trauma ka pa, normal lang yan sa mga susunod na araw, ngayon kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako, pero kung tawag ng laman ang kailangan mo (nandito din ako, ching!) ay ibang usapan na iyan”. Nagpaalam na ang ating bida upang umuwi at magpahinga.
Dahil sa mga nangyari, malaki ang trauma na naiwan sa isipan ng ating bida. Takot na umabot ng halos dalawang buwan, dalawang buwan bago ulit niya nakayanang makipag-dukit sa iba.
The End
Sumama ang bida nating si Sheryl kay Romnick, at habang patawid sila ng kalsada ay biglang nag-ring ng walang pakundangan ang cellphone ni Sheryl, sinilip nya mula sa bulsa ng kanyang itim na pantsuit kung sino ang istorbong tumatawag, pangalan ni Mane ang lumabas (honga pala, 2am ang usapan nila na magkikita-kita ulit sa mcdo), nagpasyang deadmahin ni Sheryl ang tawag ni Mane, nagtanong si Romnick kung sino ang tumawag, sinabi ni Sheryl na wala, miskol lang daw.
Grand Entrance
Naglakad ng naglakad (ng naglakad ng naglakad) ang dalawa at binaybay ang tahimik na mga kalsada ng Makati, “putek akala ko ba malapit lang, hindi ko na mabilang kung ilang stop light, ilang underpass at ilang 711 na ang nadaanan namin” kyeme ni Sheryl sa sarili. After 48.75 years ay narating nila ang JP Rizal street, may nilikuan sila na village pakanan, pagkapasok ng main gate ng village, dalawang tumbling lang ay nasa tapat na sila sa isang malaking bahay, mejo madilim sa labas, binuksan ni Romnick ang gate, at inanyayahan si Sheryl na pumasok. Sa back door sa may kusina dumerecho si Romnick, gustuhin mang sa main door dumaan ni Sheryl para grand entrance, sinenyasan siya ni Romnick na sumunod sa kanya. Pagkapasok ng dalawa ay dumerecho sila sa sala, mejo madilim sa loob, ang ilaw sa poste sa labas lamang ang nagbibigay liwanag sa buong sala nang bigla-biglang ay may tumayong anino mula sa sofa, anino na may mahabang buhok (imagining nyo na lang yung drum roll sa isang horror movie pag biglang may sumusulpot na monster).
Aparisyon
Ang anino pala ay pagmamay-ari ng isang matandang “LOLA”, yes as in sirena, diwata pero gurami (no offence, pero mukha siyang matandang parlorista na long hair). Nagkatinginan sila ni Romnick at tumango lang ang “lola” at saka umakyat sa 2nd floor ng bahay. Inaya naman ni Romnick si Sheryl na pumasok sa isang sliding door na nandon din sa sala. Pagpasok sa sliding door (TIME SPACE WARP, NGAYUN DIN!) “ano ito, isang lumang parlor?, wala akong balak I-pakulot ang wavy hair ko” dialogue ni Sheryl sa sarili, napapadalas na ang pag-kausap ni Sheryl sa sarili lately kaya mejo kinakabahan na rin siya. Pumasok si Romnick at dumerecho sa may likuran ng tukador, may kama pala don at dito siya ay humiga, hindi na nagpatumpik-tumpik si Sheryl, sumunod na rin sya sa kamang pang-isahan. Habang nakahiga si Romnick, pumatong si Sheryl sa tiyan ng lalaki, hinuhubad naman ni Romnick ang pantsuit ni Sheryl habang gumigiling ito to the tune of my humps. Matapos ang ilang acrobatic acts ay naabot ni Sheryl ang langit, ngunit parang nahirapan si Romnick na abutin din ang langit kaya nagpasya sila na i-pack-up na ang eksena. Tumayo si Sheryl at tinanong kung nasaan ang banyo, itinuro ni Romnick ang kurtina, at sa likod nito ay may lababo, walang choice ang Sheryl kung hindi magbanlaw sa ibabaw ng lababo with matching tabo.
Grace Under Pressure
Bumalik si Sheryl sa kama at isinuot ang pantsuit nya, kinapa niya ang cellphone nya sa bulsa upang i-text si Mane at Tina, ngunit kahit anong kapa ang gawin nya, hindi na niya mahagilap ang cellphone. Habang busy sa kaka-pagpag ng pantsuit nya si Sheryl ay siya namang biglang dialogue ni Romnick ng “o sige bayaran mo na ako ng two thousand” habang tumatayo ito sa kama. “P2,000?wala naman tayong pinag-usapan na bayad ah” may I say ni Sheryl, saka lang biglang nag sink-in kay Sheryl ang mga pangyayari. DING! May biglang malakas na bell na tumililing sa tenga ni Sheryl (“oh no, this is sooooo not happening to me”, dialogue ulit ni Sheryl sa sarili) pero sa edad na iyon ay nakakitaan na ng beuconera qualities si Sheryl, grace under pressure ang drama nya. Parehong bihis na ang dalawa, at ang Romnick, buo ang loob (with full conviction) na singilin si Sheryl ng P2,000 habang ginagalugad ni Sheryl ang buong kama sa kahahanap ng cellphone. Dialogue ni Sheryl, “babayaran kita pero tulungan mo muna ako hanapin yung cellphone ko” (maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian na alam ni Sheryl kung nakanino ang cellphone nya, pero ayaw niya ng maagang komprontasyon, kailangan niya ng extrang oras upang makapag-isip ng mga susunod na gagawin). Ini-lock ni Romnick ang sliding door habang nakaharang sa gitna nito, si Sheryl naman ay ginagalugad ang buong parlor, bawat tukador, bawat flower vase pati mga kahon ng sapatos, bawat drawer (kailangan niyang mag-isip ng mabilis, ng maayos, alam niyang nasa alanganing sitwasyon siya) sa huling drawer na binuksan niya, may nakita siyang putol na refill blade ng cutter, walang ka-ano-ano ay kinuha niya iyon at inilagay sa bulsa sa likod ng pantsuit niya, hindi niya alam kung bakit basta nailagay lang niya.
Ikalawang Aparisyon
Mag-iisang oras na silang nag-papaikot at nagsisigawan sa kwarto, sinabi na ni Sheryl ng harapan kay Romnick na ilabas na nito ang cellphone nya (alam niyang hindi na ito maibabalik sa kanya,pero kailangan lang niyang pahabain ang oras), todo-deny naman ang lalaki at patuloy na hinihingi ang P2,000 niya, sa kaka-deny ni Romnick ay binuksan niya ang naka-lock na pintuan at sinabi kay Sheryl na hanapin niya sa buong bahay ang cellphone niya kung makikita niya. Eto naman ang isang pag-kakataon na hinihintay ni Sheryl, ang makalabas sa kwarto na iyon. Ang komosyon ay lumipat sa sala, nagiging pisikal na rin si Romnick at sinimulang tulak-tulakin si Sheryl. Mula sa 2nd floor ay muling nag-aparisyon ang “lola” at nagtanong kung anong problema (in a Celia Rodriguez tone). Sinabi ni Sheryl ang nangyari, na inimbitahan lang siya ni Romnick na sumama sa bahay na iyon pero ngayon ay sinisingil siya ng pera bukod pa sa cellphone na kinuha sa kanya, malumanay na nagsalita ang “lola” at sinabi kay Romnick na hayaan na si Sheryl at pauwiin na lamang ito, lalong naging mabangis si Romnick at umaktong sasampalin si Sheryl, naging mabilis ang ating bida at inilabas ang blade na nai-tago niya sa pantsuit niya kanina at itinutok sa mukha ni Romnick, “ano sige sasaktan mo ako?” drama ni Sheryl, tumakbo si Romnick sa kusina (upang kumuha ng pagkain, op kors not, malamang kutsilyo din ang kukunin nito noh) kaya nakakuha ng pagkakataon si Sheryl na makatakbo sa main door, pero ng buksan nya ay naka-lock pala ito………..
Susunod…….
Makatakas kaya ang ating bida? Ano nga kaya ang kinuha ni Romnick sa kusina?Tao ba si “lola” o isang imahinasyon lang?
Saberdey na naman, umpisa na naman ng bagong linggo ng paulit-ulit na buhay.
Just Wanna Share, ang munting mundong aking ginagalawan 10 hours a day, 6 days a week, ang aking KYUBIKOL……
At ang tanging nag-bibigay aliw sa akin ay ang laman ng aking drawer…….

kakakain ko lang ng kalahati nung cake, hehe.